Julia

Marco, sinalo ni Julia sa isyu kay Ivana

October 13, 2021 Vinia Vivar 48 views

Natawa si Marco Gumabao nang biruin sa virtual mediacon ng ’Di Na Muli last Tuesday na trending siya the whole day. Ito kasi ‘yung araw na nag-viral ang video ng aktor kasama si Ivana Alawi sa isang party.

Base sa kilos nila, medyo obvious that they are in a relationship dahil may pahawak-hawak pa ang aktor sa legs ng aktres/vlogger.

Naaliw nga kami sa leading lady ni Marco na si Julia Barretto dahil wala raw siyang kaalam-alam sa pangyayari.

“Marco, ano ito, bakit wala akong alam? Ano ba ang balita?” tanong ni Julia.

Tawa nang tawa si Marco.

“Later I’ll send it to you,” ani Marco, na ang tinutukoy ay ang viral video nila ni Ivana.

Later ay natanong nga siya kung inspired ba siya ngayon. Anang aktor, lagi naman siyang inspired.

Asked kung mas inspired siya ngayon dahil sa isang special someone (without mentioning Ivana’s name) at natawa ang aktor.

Pero pag-amin niya, “Yes, I’m inspired.”

Dahil halatang hindi kumportable si Marco sa tanong, si Julia na ang nagsalita para sa kaibigan.

“I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it. I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed. Kasi si Marco is the type of guy na ’pag private life niya, gusto niya, private lang. ’Di ba Marcs?” ani Julia.

“Sobra,” sagot naman ni Marco.

Nang matanong naman kung kino-confirm na ba niya na si Ivana talaga ang nagpapatibok ng puso niya ngayon, sumenyas lang ng zipper sa bibig si Marco.

Samantala, kasalukuyang napapanood ang seryeng ’Di Na Muli sa TV5 every Saturday sa new time slot na 7:30 p.m.

Ito ang unang pagtatambal nina Marco at Julia, kasama si Marco Gallo.

Mula ito sa direksyon ni Andoy Ranay hatid ng Cignal at Sari Sari Channel kasama ang Viva Entertainment.

Simula Oct. 22, mapapanood na rin sa Vivamax ang ’Di Na Muli.

AUTHOR PROFILE