Sotto

Sharon naiipit kina Kiko at Tito

October 14, 2021 Aster Amoyo 285 views

KikoMEGASTAR Sharon Cuneta is back in town galing Amerika at hindi niya alam na maiipit siya sa isang sitwasyon na hindi niya inaakalang mangyayari.

“I come home with a happy, but heavy heart. Two men I greatly love – one whom I have known since birth, and the other, one I exchanged solemn vows with 25 years ago, are about to vie for the second highest position in the country, and once again, I do not know that I could have done so wrong to find myself in the midst of two rocks. What could I, can I do? I pray that after this game called politics is over, that wounds are healed, loved ones do not doubt your love for them, and I and my sisters, especially, the only family I have left besides my own, find our way back to one another’s arms, unscathed and free of the pain our battlescars have brought us. It is most difficult for us in the periphery, who never imagined we would be in this position.

“May God bless us all. May God help me through this trying period…Please pray for all of us….” post ni Sharon sa kanyang Instagram account.

As what everybody knows, parehong kandidato sa pagka-Vice-President ang mister ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan bilang ka-tandem ni VP Leni Robrero na tatakbo sa pagka-Pangulo sa darating na May 2022 local and national elections habang si Senate President Tito Sotto na tiyuhin ng megastar ay kandidato rin sa pagiging pangalawang pangulo ng bansa at siya naman ang partner ni Sen. Ping Lacson bilang Pangulo.

Hindi man inaasahan ni Sharon, tiyak na hindi maiiwasan na magkaroon sila ng tampuhan sa kampo ng kanyang Mama Helen (Gamboa-Sotto) maging ni Tito Sen at kanilang mga anak.

Samantala, kapansin-pansin ang malaking ibinawas ng timbang ni Sharon sa kanyang pagbabalik galing Amerika.

“I lost 12 lbs. in a month, without trying. My top is now a medium, a size 38 or 8, but my bumbum will only wear a size 10-12,” proud niyang pagbabahagi sa kanyang Instagram account.

Mga macho actor naging malaking challenge ang gay role

ANG action-comedy movie na “Barumbadings” ay pang-12 pelikula na bale ng writer-director na si Darryl Yap sa bakuran na Viva Films which will be streamed on Vivamax sa darating na November 5, 2021. Tampok sa nasabing pelikula ang dating action star na si Jeric Raval, ang dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez, ang character actor na si Baron Geisler at ang award-winning actor at businessman na si Joel Torre.

Kakaibang twist ang ginawa ni Direk Darryl sa pelikulang “Barumbadings” dahil ginawa niyang mga bakla ang characters nina Jeric, Mark Anthony, Baron at Joel. At the zoom presscon ng “Barumbadings,” inamin ng apat na hindi naging madali ang kanilang role para sa kanila na first time nila ginawa laluna na sina Jeric at Mark Anthony at first time bilang flamboyant gay for Joel na gumanap na rin noon ng gay roles maging si Baron sa kanyang papel in “Di Na Muli” TV series.

Ayon kay Mark Anthony, nag-shave umano siya mula sa kanyang bigote maging sa kanyang braso, hita at binti at hirap umano silang magsuot ng stiletto shoes. Pero naging malaking challenge umano sa kanilang apat ang kanilang respective roles. At dahil sa kanilang tiwala kay Direk Darryl ay naitawid umano nila ang mga papel na kanilang ginampanan in the movie.

Metropolitan Theatre muling bubuksan

KUNG nabubuhay pa hanggang ngayon ang Master Showman at star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno, tiyak na isa ito na matutuwa sa pagbabalik ng newly-restored, constructed and renovated na Metropolitan Theater, na isa sa mga landmark ng Maynila na nagsara 25 years na na ang nakakaraan.

Ang Metropolitan Theater o Tanghalang Pangkalakhan ay matatagpuan sa Padre Burgos Avenue corner Arroceros Street malapit sa Manila Central Post Office at sa Mehan Garden. This was designed by Architect Juan M. Arellano and was inaugurated nung December 10, 1937.

Dalawang beses nang sumailalim ng renovation ang teatro. Una nung pagkatapos ng World War II at pangalawa nung dekada sitenta nung panahon ng mga Marcos sa utos ng dating Unang Ginang na si Imelda Romualdez-Marcos.

The newly-renovated and preserved Metropolitan Theater na nakilala rin as The Met ay magiging venue ng kauna-unahang musical play sa muli nilang pagbubukas on October 24, 2021, araw ng linggo sa pamamagitan ng historical musical play na “Lalulapu: Ang Datu ng Mactan” na pangangasiwaan ng U.P. Professor na si Dexter M. Santos (as director) under NCCA or National Commission for Culture and the Arts.

Si Arman Ferrer ang gaganap sa papel na Lapulapu, Andre Tiangco as Ferdinand Magellan, Red Nuestros as Rajah Humabon, Cara Barredo as Reyna Juana, Natasha Cabrera as Babaylan, Paw Castillo at Enrique de Malacca, Robert Barbers as Juan Sebastian de Elcano, Al Gatmaitan as Antonio Pigafetta, Ivan Niccolo Nery as Papa Alexander XI and Padre Pedro de Valderama. Kasama rin sa cast ng 2018 Miss Universe at NCCA Ambassador na si Catriona Gray.

Although ang staging ay gaganapin sa Metropolitan Theater, hindi pa rin ito mapapanood nang live with audience due to health protocols. Sa halip ay matutunghayan ito sa Facebook Live ng NCCA, sa Radio-Television Malacanang (RTVM), PCOO, the NOC at sa iba pang partner institutions’ offciail Facebook pages.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE