Dimples nanganak na, babalik agad sa trabaho

June 30, 2022 Aster Amoyo 92 views

Dimples1

NANGANAK na ang actress, celebrity endorser, vlogger andentrepreneur na si Dimples Romana (37) sa kanyang pangatlong anak with husband na si Romeo Adecer Ahmee, Jr. (na mas kilala sa kanyang palayaw na Boyet ) last Friday, June 24.

Baby boy ang isinilang ni Dimples na may nakahanda nang pangalang Elio. Minana ni Baby Elio ang twin dimples ng kanyang ina.

Super excited ang second child nina Dimples at Boyet na si Alonzo (7) sa pagdating ni Baby Elio dahil magkakaroon na siya ng playmate. Nangako rin si Alonzo na siya umano ang mag-aalaga sa kanyang baby brother.

Natuwa rin ang panganay na anak ng mag-asawang Dimples at Boyet na si Callie (18) na kasalukuyang nasa Australia kung saan ito nag-aaral ng aviation.

Since Dimples is a working mom, she will just spend a few weeks with Baby Elio at babalik na siya sa kanyang trabaho.

Dimples and Boyet celebrated their 19 th wedding anniversary last June 14, ten days bago lumabas si Baby Elio.

Malalayo ang age gap ng tatlong anak ng mag-asawa. Eleven years ang pagitan nina Callie at Alonzo at seven years naman between Alonzo and Baby Elio.

Samantala, ang June 24 ay kaarawan ni St. John, The Baptist at kaarawan din ng ilang kilalang Filipino celebrities tulad nina John Lloyd Cruz, Ruffa Gutierrez, John Arcilla at Sen. Risa Hontiveros, among others.

AngelineAngeline1

Anak ni Angeline binyagan na

ISA nang ganap na Kristiyano si Baby Sylvio, first baby ng mag-partner na sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina. Baby Sylvio was baptized over the weekend.

Last Tuesday, June 28, the singer-actress posted in her Instagram account some photos of the Christening of Baby Sylvio (Aziel Sylvio Quinto Daquina) who was named after Angeline’s late adoptive mother na si Sylvia Quinto.

Ilan sa mga tumayong godparents ni Baby Sylvio ay sina Vice Ganda,

Richard Yap, K Brosas, JP Endrinal, Bugoy Drilon, ex-boyfriend ni Angeline na si Erik Santos at iba pa.

Si Baby Sylvio ay isinilang ng singer-actress nung April 27, 2022.

Nangako ang Kapamilya singer-actress na gagawin umano niya ang lahat para mabigyan ng magandang buhay si Baby Sylvio.

Mga umamin at hindi sa pagbubuntis

TAHIMIK pa rin hanggang ngayon ang Vivamax Queen na si AJ Raval sa kanyang napapabalitang pagbubuntis courtesy of her rumored boyfriend na si Aljur Abrenica, ex-husband ng Kapuso actress at anak ng bagong senador na si Robin Padilla, si Kylie Padilla.

Kung tahimik pareho sina AJ at Aljur, proud namang ibinalita ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela ang kanyang pagbubuntis although hindi pa nito ibinabahagi kung sino ang ama ang kanyang dinadala ngayon.

Rita is 26.

Samantala, inamin na rin ng Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso (20), anak ng outgoing mayor ng Maynila na Isko Moreno na he is a proud dad of a two-month old baby na si Scott Angelo Castro Domagoso courtesy of her non-showbiz girlfriend na si Rafa Castro, anak ng dating actor-turned-newscaster na si Deigo Castro na anak naman ng namayapang veteran broadcasters na sina Angelo Castro at June Keithley.

Pareho nang young grandfathers sina Mayor Isko (47) at Diego (46).

Mag-best friends nagkasirang tuluyan dahil sa pulitika

NANGHIHINAYANG kami sa isang mag-best friends na nagkasira nang dahil lamang sa kanilang respective political leanings.

Halos magkapatid ang turingan ng mag-best friends na ito na ang isa aykilalang singer, actress at celebrity endorser at non-showbiz naman ang isa.

Parehong galing sa kilala at may kayang pamilya ang (dating) mag-bestfriends na tinuldukan ang pagkakaibigan since 2016 up to now.

Isa kami sa umaasa na sana’y maibalik ang kanilang pagiging mag-bestfriends at I set-aside na nila ang political color or party na kanilang pinaniniwalaan.

Titosen

Tito Sen balik na sa pribadong buhay

BALIK na sa kanyang pribadong buhay ang 73-year-old former SenatePresident, singer-songwriter, actor-comedian at TV host na si Tito Sotto matapos itong bumaba sa kanyang puwesto simula sa araw na ito ng June 30, ang araw ng pagsisimula ng bagong administrasyon.

Si Tito Sen ay naging public servant sa loob ng 34 years na kanyang

sinimulan sa pagiging vice-mayor ng Quezon City in 1988. Hindi man niya nakamit ang pagiging Vice-President ng bansa, inabot naman niya ang 3 rd highest position in the land, ang pagiging Senate President sa panahon ni dating Pres. Rodrigo Duterte.

Ngayong balik si Tito Sen sa kanyang pribadong buhay, hindi malayong balikan niya ang muling paghu-host ng “Eat Bulaga” along with brother Vic Sotto and Joey de Leon. Pero mas uunahin umano niya ang pagbawi sa kanyang pamilya, sa kanyang wife of over 50 years, ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa, sa kanyang apat na anak na sina Romina, Gian, Diorella at Ciara at sa kanilang mga apo na nagbibigay ng ibang kasiyahan sa kanilang mag-asawa.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE