Chito

Puna’t puri sa Idol PH

July 1, 2022 Joey Aquino 370 views

UMARANGKADA na ang Idol Philippines Season 2.

Sa bago nitong paghahanap ng susunod na singing idol, tatlo ang bagong mukha sa programa.

Pinalitan ni Robi Domingo si Billy Crawford bilang host, habang sina Gary Valenciano at Chito Miranda ang mga bagong judge na makakasama nina Regine Velasquez at Moira Dela Torre.

Marami ang nagtatanong kung bakit nawala na sina Vice Ganda at James Reid bilang judges. Well, things have changed. Both are busy with their own schedules. Hayaan na natin sila. Maiba naman.

Sa totoo lang, inabangan namin kung ano ang magiging ambag ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar sa show. Exciting to see the other side of Chito. So far, he begins to rock the program with his unadulterated comments and self-deprecating yet witty humor. Nakakatawa rin pala siya. At least, hindi na ‘yung standup humor ang brand of comedy na madalas nating napapanood. No offense meant to Vice. Bihira lang kasi akong nakakapanood o nakakarinig ng mga straight antics. Very organic. Kaya bago sa akin ang ganitong humor ni Chito.

As for Gary, walang bago sa kanya. Ditto with Moira and Regine. Si Robi naman pagaling na pagaling na siya as host. After Luis Manzano, siya na ang prime male host ng Kapamilya channel. Deliberate or not, Robi tends to act and sound like Luis. Now that he is given major hosting jobs, he has to create his own hosting style.

Samantala, ang Idol Philippines Season 1 big winner na si Zephanie Dimaranan ay isa nang Kapuso. Naudlot ang kanyang career bilang Kapamilya dahil sa isyu ng prangkisa at pandemya. May nagsabi rin na hindi naman siya binigyan ng kontrata. So, nang magkaroon ng pagkakataon, lumundag siya sa Kapuso network at ngayon ay regular na sa All Out Sundays.

Pero bakit nga naman sa lahat ng naging singing champions hindi siya ginawang regular sa ASAP Natin ‘To?

Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamangsa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE