Ruffa

Celebs at netizens, nagkagulo sa ‘Imelda look’ ni Ruffa

June 30, 2022 Vinia Vivar 355 views

Ipinasilip ni Ruffa Gutierrez ang kanyang “Imelda Marcos look” para sa pelikulang Maid in Malacanang kung saan ay ginagampanan nga niya ang papel ng former First Lady.

Ipinost ni Ruffa sa kanyang Instagram ang larawan niya na nakaayos at nakadamit na mala-Imelda at kung tama kami, mukhang nagsimula na ang shooting niya.

“‘I’m a soldier of beauty.’ — Imelda Romualdez Marcos, 1986,” ang caption ni Ruffa.

Inilagay din ni Ruffa kung sino ang designer ng kanyang red dress na suot niya at ito ay si Avel Bacudio.

In fairness, sa larawan ay kopyang-kopya niya ang ayos ni Madame Imelda kaya naman umani ito ng katakut-takot na papuri mula sa netizens at sa kanyang mga kaibigan.

“Ganda,” komento ni Aiko Melendez.

“Perfect,” sabi naman ni Mariel Rodriguez.

“So excited for this,” sey naman ng hipag niyang si Sarah Lahbati.

Pinuri rin siya ng kapatid ng mga kapatid na sina Richard at Raymond Gutierrez at excited din sila sa pelikula.

“The hair and everything is on point,” ani Mond.

“Can’t wait to see the film,” komento naman ni Richard.

Napahanga rin sina Charlene Gonzalez, Diego Loyzaga, Charlie Dizon, Danita Paner, Jackie Forster, Arlene Muhlach, Almira Muhlach at iba pa.

Maging ang mga ordinaryong netizen ay napa-wow at iisa ang komento nila na kuhang-kuha nga raw ni Ruffa si Imelda.

Ang inaabangan naman ngayon ng lahat ay ang mga look nina Cristine Reyes (na gaganap na Sen. Imee Marcos), Ella Cruz (na si Irene Marcos naman ang gagampanan), Cesar Montano (as former President Ferdinand Marcos) and Diego Loyzaga (as President Bongbong Marcos Jr.).

SHOWBIZ NEWBIE, BET HIRAMIN ANG SHOPPING BAG NI HEART

Aminado ang Sparkada member ng GMA-7 na si Sean Lucas na gusto niyang maging close si Heart Evangelista.

“Sino naman pong hindi? Heart Evangelista ‘yan, eh,” ani Sean sa online mediacon ng Sparkada. “Tapos, you know, hiram-hiram lang tayo ng shopping bag niya ng Dior, tapos IG story lang, pang-flex lang, ganu’n,” natatawa niyang dagdag.

He also admitted na na-starstruck siya sa isa pang sikat na Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

“Since bago pa lang ako sa showbiz so to see someone like her na super pretty, talented and parang established na artista, parang na-starstruck lang ako, nag-freeze lang ako. Tiningnan ko lang siya, hindi ako nakapagsalita,” kwento ni Sean.

Siyempre, given a chance, gusto niya raw makasama si Kyline sa isang teleserye.

Pero ang talagang iniidolo ng newbie young actor ay si Miguel Tanfelix.

“Ang galing niyang umarte. And aside from that, what I really idolize about him is sobrang galing niya rin talagang sumayaw,” he said.

“At saka in terms of fashion din, ang galing niya pumorma. So, lahat ng iyon, ‘yun ‘yung reasons kung bakit idol na idol ko siya.”

Samantala, mapapanood si Sean sa upcoming Kapuso kilig series na LUV IS: Caught in his Arms na pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Kabilang din dito ang iba pang miyembro ng Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

AUTHOR PROFILE