Denjen

Dennis, personal ang pag-aalaga sa maselang pagbubuntis ni Jennylyn

November 5, 2021 Vinia Vivar 283 views

Dahil nga medyo maselan ang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado sa panganay nila ni Dennis Trillo, sobra ang pag-aalaga sa kanya ng aktor at talagang he makes it a point na okay ang kanyang mag-ina.

Ayon kay Dennis sa live online interview with Kapuso Artistambayan the other day, siya talaga ang naghahanda at nagdadala ng pagkain ni Jen.

Madalas din daw ang kanilang check-up to make sure that everything’s okay.

“Okay naman kami, madalas ‘yung check-ups namin at okay naman lahat. Good news naman, healthy naman. Healthy siya palagi at pinapanatili ko siyang healthy palagi.

“Ako ‘yung nagbabantay sa kanya, ako ‘yung nagpe-prepare ng food dahil hindi siya pwedeng magkikilos masyado, so ako ‘yung tagadala ng pagkain, taga-check kung okay ba lahat,” sey ni Dennis.

CERTIFIED HEREDERA

Mula sa pagiging api, magiging certified heredera na si Lena (Erich Gonzales) sa ikatlong season ng La Vida Lena na magbubukas ngayong Nobyembre sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Malalantad na ang katotohanang ang tunay na ama ni Lena ay ang ang mortal na kaaway niyang si Lukas (Raymond Bagatsing), kaya gagamitin ni Lena ang pagiging unica hija niya para makapaghiganti sa buong pamilya Narciso.

Sukdulan na ang paniningil ni Lena dahil hahabulin niya hanggang ang pinakahuling kusing sa kayamanan ni Lukas.

Ipipilit din ni Lena ang sarili niyang magkalugar sa pamilya nina Lukas at Vanessa (Agot Isidro), mula sa pamamahay ng mga ito hanggang sa kumpanya nila.

Babaliktad na rin ang mga mundo nila dahil magiging kakampi na rin ni Lena si Miguel (Kit Thompson), habang tuluyan namang kakalas si Jordan (Carlo Aquino) sa kanya para mamasukan kay Lukas.

Napapanood ang La Vida Lena gabi-gabi, alas-diyes, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

AUTHOR PROFILE