Sharon

Sharon gusto nang mag-asawa si KC

November 5, 2021 Aster Amoyo 229 views

IT was last September nang lumipad si KC Concepcion patungong Los Angeles, California, USA where she is now renting a one-bedroom condo na pinuno na niya ng mga kagamitan. At 36 (turning 37 on April 7 next year), pangarap ng megastar mom ni KC na si Sharon Cuneta na mag-asawa na rin ang kanyang panganay at magkaroon ng sarili niyang pamilya. But KC, being an independent person will have the final say.

Sa ngayon ay ini-enjoy ni KC ang kanyang pagiging single although she has had a string of relationships in the past na ang pinakahuli ay ang French businessman ex-boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart na inakala ng marami na makakatuluyan na niya. Lately, si KC ay nali-link sa American Black Eyed Peas member na si apl.de.ap (Allan Pineda) pero wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa.

JewelJewel1Jewel2Jewel3Jewel nagsilang sa pangatlong anak

NAGSILANG ng kanyang ikatlong baby daughter ang Starstruck 4 alumna at dating Kapuso na si Jewel Mische sa kanyang American husband na si Alex (Alister) Kurzer last Thursday, November 4, na pinangalanang Yzbel Quinn.

Sina Jewel and Alex ay ikinasal sa Michigan, USA nung March 2015. Ang kanilang panganay na anak ay si Aislah Rose (3) at sumunod naman si Emerald Jade (1-1/2) na ipinanganak nung April 2020.

Contented and happy wife si Jewel dahil sa kanyang napakabait at supportive husband of more than six years na si Alex.

Si Jewel ay ex-girlfriend ni Richard Gutierrez na happily married na rin kay Sarah Lahbati at may dalawa na silang anak.

JayaJaya1Jaya2Jaya at pamilya adjusted na sa buhay-Amerika

ALTHOUGH maga-apat na buwan pa pa lamang sa Amerika ang singer-actress na si Jaya, madali siyang nakapag-adjust sa buhay doon kasama ang kanyang mister na Gary Gotidoc, mga anak na si Sabriya (15) at Dylan (12) maging si Gavin (26), ang eldest son ni Gary (sa dating asawa).

Actually, naunang nagtungo ng L.A. ang mag-amang Gary at Gavin nung January this year at nitong nakaraang July lamang sumunod doon si Jaya, kasama ang mga anak na sina Sabriya at Dylan na doon na rin nag-aaral ngayon.

Since sa Pilipinas naman isinilang at lumaki ang mga anak ni Jaya, nakatatak na sa kanilang isipan ang Filipino values bagay na ipinagpapasalamat ng singer-actress.

Nung teen-ager pa si Jaya hanggang sa kanyang pagdadalaga ay nasa Amerika siya kasama ang kanyang ina, ang yumaong singer-entertainer na si Elizabeth Ramsey. It was only in 1995 nang bumalik ng Pilipinas si Jaya to try her luck in the Philippines sa tulong ng Queen of Songs at kaibigan ng kanyang ina, si Pilita Corrales.

Sa ngayon, willing pa rin naman si Jaya na bumalik ng Pilipinas for shows and concerts.

BarbiediegoBarbie at Diego inspired sa isa’t isa

SA December 10, 2021 na mapapanood sa Vivamax app ang pelikulang “Dulo” mula sa panulat at direksiyon ng ex-PBB housemate na si Fifth Solomon at pinagbibidahan ng magkasintahang Diego Loyzaga (26) at Barbie Impersial (23). Ito bale ang first team-up sa pelikula ng magkasintahan. The young sweethearts started dating in November 2020 and only admitted their relationship in January 2021. Since then ay halos inseparable na ang dalawa.

Si Diego ay dating in a relationship with Sofia Andres (na may anak na with a non-showbiz guy) at si Barbie with Paul Salas.

Kitang-kita kina Diego at Barbie ang pagiging inspired sa isa’t isa ngayon. We hope it lasts longer than expected.

HavenHeaven hindi nagtatagal ang mga relasyon

INAMIN ng 21-year-old Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo na happy single umano siya ngayon matapos ang kanilang relasyon ni Kiko Estrada (barely three months).

Sa halip na agad makipag-boyfriend uli, mas gusto muna ng young actress na mag-focus sa trabaho. Which is the right thing.

Heaven was in a relationship with the son of boxing icon-turned senator na si Manny Pacquiao na si Jemuel Pacquiao pero hindi ito nagtagal. Sumunod naman ang panganay ng actor na si Gary Estrada na si Kiko Estrada pero short-lived din ang kanilang naging relasyon.

It is a mystery to some that a very beautiful girl like her doesn’t have a long lasting relationship with her (ex) boyfriends.

JoshuaIna ng nabuntis umano ni Richard nagsalita

PERSONAL naming nakausap ang lola ni Joshua Valdez Jensen, ang 24-year-old na binata na nagki-claim na anak umano siya ng singer-actor at congressional candidate na si Richard Yap. Ayon kay Josephine Valdez Jensen (na isang German national ang late husband), ilang beses umano silang nagkaharap ng singer-actor nung buntis ang kanyang anak na si Cherrymay Valdez Jensen kay Joshua.

Ayon kay Mrs. Jensen, kasama umano siya nina Cherrymay at Richard nang magtungo sa isang clinic in Pasig kung saan nagpa-ultrasound ang ina ni Joshua. May ilang beses pa umano silang nagkita ni Richard pero sa kalaunan ay hindi na umano ito nagpakita sa kanila. May pagkakataon umano na dinala nila si Joshua sa tanggapan ni Richard in Makati pero hindi umano sila hinarap nito.

Magmula nang malaman ng bata na si si Richard ang kanyang ama when he was 10 ay hindi na umano ito mapakali at gustong makita at makilala ang ama. Maraming beses umano silang nag-attempt na makita at makausap ang actor pero hindi umano sila binigyan ng pagkakataon.

Ayon kay Aling Josephine, hindi umano siya tumitigil sa pagdarasal na sana’y maliwanagan si Richard at tanggapin at kilalanin nito ang kanyang anak.

High school lamang ang inabot ni Joshua na kailangang magtrabaho para sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya.

“Gusto ko pong makapagtapos ng aking pag-aaral. Pero sa ngayon ay hindi ko pa po magawa,” ani Joshua na nagtatrabaho bilang isang waiter sa isang resto bar in Pasay City.

Kung magkakaroon umano siya ng pagkakataon ay gusto niyang mag-aral ng HRM (Hotel & Restaurant Management).

Nung bata pa si Joshua ay nakaranas umano siya ng pambu-bully.

Tulad ng kanyang lola, hanggang ngayon ay pangarap pa rin umano niya ang tuluyang pagtanggap sa kanya ng kanyang biological father para makumpleto na umano ang kanyang pagkatao.

Si Richard ay naging celebrity endorser ng isang fast food chain kung saan din minsang nagtrabaho si Joshua bilang service crew.

Nagpapasalamat naman si Joshua sa mga taong patuloy na tumutulong sa kanya (in Cebu) para maisakatuparan ang kanyang paghahain ng petition for paternal recognition and affiliation against sa kanyang alleged biological father na si Richard.

Hindi naman kaya pera lamang ang habol ni Joshua kay Richard?

“Nabuhay at lumaki po ako na wala ni isang kusing na nagmula sa kanya (Richard), hindi po `yun ang habol ko sa kanya kundi ang kanyang pagkilala na anak niya ako,” diin ni Joshua who turned 24 last October 5.

Hiwalay na si Joshua sa kanyang girlfriend of three years.

“Gusto ko munang ayusin ang sarili ko,” aniya.

Birthday greetings

BELATED birthday greetings to my niece Arlene `Ayen’ Amoyo last November 4 and happy birthday today, November 6 to my grandson (from my nephew) Kyle Esperas.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE