Bistek

Bistek, sasabak sa TikTok

November 5, 2021 People's Tonight 260 views

SUSUBUKAN ng senatoriable na si Herbert Bautista na sumabak sa TikTok. Alam ni Herbert ang limitasyon ngayon sa kampanya kaya tututukan din niya ang social media.

“Nagkausap na kami ni Gardo (Versoza) na sikat na sikat ngayon sa TikTok. Ayusin namin kung ano ang ipakikita namin sa TikTok,” saad ni Herbert nang makausap ng press kamakailan nang harapan.

Ibinalita rin ni Bistek na dumagsa rin ang suporta ng kaibigang celebrities nang malamang senador ang target niya gaya nina Andrew E, Dennis Padilla at iba pa.

Eh, nang matapos ang term niya bilang QC mayor last 2019, ginugol niya ang kanyang oras sa mga anak.

“Adult topic na ang pinag-usapan namin.

“We were planning to do a family vlog. Nakatakda sana kaming mag-travel sa buong bansa, eh, nagkaroon ng pandemic. Hindi natuloy. Hopefully magawa na namin ‘yon ngayong lumuluwag-luwag na,” saad ni Bistek

So far, maganda naman ang resulta ng latest survey sa mga tumatakbong senador. Sa latest survey ay number 11 na si Herbert.

Sa pagbubukas naman ng mga sinehan, hinihikayat ni Bistek na bigyan din ng prayoridad ng mga sinehan ang local films.

“Sana ‘yung theater owners, bawasan ang share nila sa bawat ticket. Kasi ngayon, 50 percent ang napupunta sa owners sa ticket sales,” aniya.

Lumaki sa movies at TV si Herbert kaya malapit sa puso niya ang dalawang industriya. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE