Default Thumbnail

Death toll sa banggaan ng 2 barko sa Corregidor, umakyat sa 3

April 30, 2023 Zaida I. Delos Reyes 200 views

UMAKYAT na sa tatlo ang death toll sa banggaan ng dalawang barko sa Corregidor Island makaraang matagpuan ang isa pang Chinese crew ng lumubog na MV Hong Hai 189 nitong Linggo ng umaga.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), sinabi ni Coast Guard Station Bataan Commander, CG Commander Jonathan Serote na isa pang Chinese crew ang natagpuang patay.

Ito na ang ikatlong crew na namatay sa insidente na kinabibilangan ng isang Filipino na binawian na ng buhay sa ospital.

Matatandaang nitong Biyernes ay lumubog ang MV Hong Hai 189 matapos na mabangga ng MT Petite Soeur, isan chemical o oil product tanker sa katubigan ng Corregidor Island.

Labing-anim sa 20 crew ng MV Hong Hai 189 ang nailigtas subalit nasawi ang isang Filipino safety officer sa pagamutan.

Sa kasalukuyan, dalawa pang crew ng lumubog na barko ang hinahanap ng search and rescue team.

Ligtas naman ang 21 crew ng oil tanker.