Frasco3 Pinangunahan ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang inagurasyon ng ipinatayo nitong day care center para sa mga mamamayan ng Bgy. Santa Cruz, Liloan City.

Day care center na ipinatayo ni Rep. Frasco malaking tulong sa taga-Bgy. Santa Cruz

November 22, 2023 Mar Rodriguez 190 views

FrascoFrasco1Frasco2TULOY-TULOY ang pagbibigay serbisyo ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco sa kaniyang mga ka-lalawigan matapos ang tunover ceremonies sa ipinatayo nitong day care center para sa mga mamamayan ng Bgy. Santa Cruz, Liloan City.

Sinabi ni Frasco na malaki ang maitutulong ng bagong “infrastructure project” para mapabuti ang paghahatid ng basic services kabilang ang basic education para para sa mga residente ng Bgy. Santa Cruz.

Ipinaliwanag ni Frasco na sa pamamagitan ng bagong day care center, maraming mamamayan sa nasabing barangay ang matutulungan nito partikular na ang kanilang mga anak sa laragan ng paunang edukasyon, kabilang na ang pagsasagawa ng mga meetings, seminar at pagiging isang evacuation center.

Ayon kay Frasco, maaaring magamit ang ipinatayong day care center bilang lugar para magsagawa ng mga pulong pang-barangay, seminar at puwede rin umano itong gamitin bilang evacuation center sa panahon na magkaroon ng matinding kalamidad sa Liloan City.

Nabatid pa kay Frasco na ang pagpapatayo ng bago at brand new na day care center ay umabot ng P4 million sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng iba pang opisyal ng lalawigan na sina Mayor Aljew Frasco, Vice-Mayor Drwin Apas at mga municipal councilors.

AUTHOR PROFILE