Daveara

Dave, kuminis sa sikreto ni Ara

July 25, 2021 Ian F. Fariñas 141 views

Tawang-tawa pa rin si Ara Mina habang inaalala ang mga sinabi ng kapatid ng asawang si Dave Almarinez sa reception ng kasal nila sa Baguio City kamakailan.

Nakipagkita daw kasi noon si Dave sa kanyang Ate Pinky upang ipakilala nga si Ara.

Kaso, nagulat daw siya at parang nag-iba ang mukha nito, kuminis na.

Kaya ang sabi niya, “Nagpa-gluta ka ba? Nagpafacial ka ba?”

May kakaibang glow daw kasi si Dave.

Matatandaang binu-bully noong kanyang kabataan si Dave at tinawag pa itong “negro” ng kanyang mga kababata.

Kuwento ni Ara sa press, “Pinilit ko siyang gumamit ng products ko, kung ano ang ginagamit ko, sabi ko i-try niya.

“Ayaw kasi niya ng mga ganu’n, hindi kasi siya vain. Pero, ayun, napilit ko na gumamit ng Ara’s Secret.”

Marami raw talaga ang nakapansin sa pagkinis ng kutis ni Dave na timing naman sa kasal nila noong June 30.

Ang Ara’s Secret ang beauty products ni Ara na halos sampung taon na sa market. BFAD at FDA-approved ang lahat ng mga produkto ng aktres kaya naman nakakatiyak na safe ang mga gagamit.

Dagdag pa ni Ara, “Matagal na ’yang business ko na ’yan online. Noong mga panahong wala akong trabaho, diyan ako nakakabunot ng panggastos. Sa awa ng Diyos, surviving naman siya.”

Samantala, matapos ang honeymoon sa isang pribadong resort, abala na ngayon ang mag-asawang Ara at Dave sa kani-kanilang mga trabaho.

AUTHOR PROFILE