dombea

‘Hon,’ tawagan nina Bea at Dominic

July 25, 2021 Vinia Vivar 71 views

“Hon” ang term of endearment nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa isa’t isa.

Nabuking ito dahil sa isang TikTok video ng fandom ni Bea.

Maririnig sa video ang boses ng aktres at ni Dominic habang nagha-hiking sa Yosemite National Park sa California, USA.

Sa video ay maririnig na sinasabi ni Bea kay Dominic, “Hon, nagre-record ‘to kanina pa.”

Sagot naman ni Dominic, “Hintayin mo lang, hon.”

Kilig na kilig ang fans at caption nga ng nag-post, “hon Omg Honnnn.”

Bago ito ay ilang araw na ring nagpapakilig sina Bea at Dominic sa kanilang fans sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanilang sweet moments.

May larawan silang magka-holding hands at ito ngang huling post ng aktor ay makikitang naka-back hug pa sa kanya ang rumored girlfriend.

Needless to say, all-out na nga ang dalawa sa paglalantad ng kanilang relasyon.

Masaya naman ang fans ni Bea sa nakikitang happiness ng kanilang idolo at wish nila, sana ay forever na ito.

AUTHOR PROFILE