Robbers Iniharap ni PLt.Col.Nelson Cortez ang mga naarestong suspek matapos na positibong kinilala ng mga biktima ang mga ito sa isinagawang Follow Up Operation ng MPD Malate P.S 9,,Photo by:Jon-Jon Reyes

DALAWANG HOLDAPER TIKLO SA MAGKASUNOD AT MAG KAHIWALAY NA FOLLOW UP OPERATION..

March 5, 2024 Jonjon Reyes 140 views

DALAWANG holdaper ang nasakote sa magkahiwalay na lugar matapos namagsagawa ng isang follow up operations ang mga kapulisan ng Manila Police District Malate Police station.9 sa kahabaan ng Adriatico at Taft Avenue Malate,araw ng lingo,.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Col.Nelson Cortes hepe ng Malate Ps.9 Bandang 1;30 ng madaling araw ng unang naaresto ang suspek na si alyas “Alexander” 38 anyos, sa Adriatico st,at kasunod nito ang isa pang suspek na si alyas “Florante” 63,sa kahabaan naman ng Taft Ave,Malate Manila.

Matapos humingi ng tulong ang mga biktima sa pangholholdap sa mga operatiba ng Motorcycle Patrol habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad”sa nasabing lugar. .

Narekober ang dalawang Snub nose na 38 kalibre na gamit ng mga suspek sa panghoholdap,.

Gayunman,nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms Laws and Ammunition) ang mga naarestong suspek sa panghoholdap.

AUTHOR PROFILE