Default Thumbnail

Dalaga tumalon sa condo

May 19, 2023 Jonjon Reyes 734 views

Nakita ang BF na may kasamang iba

POSIBLENG sobrang dinamdam ng isang 28-anyos na dalaga ang pinagdaraanan matapos makita ang boyfriend na may kasamang iba, kaya minabuti umano nitong kitilin ang sariling buhay kaya tumalon ito mula sa inuupahang condominium sa may Sta. Mesa sa Maynila Huwebes ng gabi.

Base sa ulat ni Det. Rodolfo Acosta ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 7:15 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa salaysay ng pamangkin ng biktima, balisa umano ang kaniyang tita at napapansing hindi ito mapakali at palakad-lakad ito sa loob ng unit.

Hanggang sa bigla na lamang umano itong tumalon at bumagsak sa tabi ng swimming pool.

Kuwento ng ama ng biktima, huling nakita niyang buhay ang kaniyang anak nitong Mayo 16, bandang 7:05 ng gabi.

Ayon dito, nadiskubre umano ng dalaga na may ibang babae ang kaniyang boyfriend kaya minabuti nitong magpakamatay.

AUTHOR PROFILE