Cristine

Cristine bilang Imee

June 10, 2022 Ian F. Fariñas 236 views

Imee

UNTI-UNTI nang lumalabas ang mga pangalang bumubuo sa cast ng upcoming Viva movie na Maid in Malacañang na ididirehe ng kontrobersyal na si Darryl Yap.

Kahapon ay ipinost ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account ang magkatabing litrato nina Sen. Imee Marcos at Cristine Reyes sabay lagay ng caption na: “The Rebellious Marcos.”

Ito’y ilang araw lamang mula nang ibalita na si Ruffa Gutierrez ang gaganap sa papel ni dating Unang Ginang Imelda Marcos at ang mag-ama namang sina Cesar Montano at Diego Loyzaga ang papapel sa mga karakter nina former President Ferdinand Marcos at President-elect Bongbong Marcos, respectively.

Palung-palo sa netizens ang pagkakapili kay Cristine dahil bagay daw sa aktres ang part.

Meron din namang mga nag-suggest na sana, si Sen. Imee na ang lumabas sa pelikula as herself.

Speaking of Sen. Imee, aliw ang video post ni Direk Darryl na nagpapakita sa sandamakmak na canned coffee drink at coconut water na ipina-deliver daw nito sa kanya.

As in, OA talaga sa dami at halos mapuno nito ang refrigerator ng direktor.

Kung hindi magbabago ang plano, July ang playdate ng Maid in Malacañang.

AUTHOR PROFILE