Aubrey1

Aubrey kay Troy: We did it

June 10, 2022 Ian F. Fariñas 94 views

KAHAPON idinaos ang civil wedding nina Aubrey Miles at Troy Montero matapos ang 18 taon ng pagiging live-in partners.

Ibinahagi ng bride ang ilang litratong kuha mula sa seremonya na ginanap sa Mandaluyong at pinamunuan ni Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos.

Simpleng puting jumpsuit na gawa ni Jazel Sy ang suot ni Aubrey habang si Troy naman ay naka-dark coat at puting undershirt.

Sa kanyang Instagram post, pinasalamatan ni Aubrey ang mga ninong at ninang nila sabay sabi na, “It’s Official. After 18 years together, it only takes 30 minutes to seal it. We did it @troymontero.”

Makikita rin sa IG upload ang ilang litrato kung saan kasama nila ang kanilang mga anak at pamilya.

Ilan naman sa celebrity friends na nag-congratulate sa mag-asawa ay sina Dominic Roque, Sunshine Cruz, Giselle Sanchez, Cristalle Belo, Gretchen Ho, Ahron Villena, Marlo Mortel, atbp.

AUTHOR PROFILE