Kris

Private plane na naghatid kay Kris, P20-P30M ang arkila

June 10, 2022 Vinia Vivar 142 views

Nasa Houston, Texas na si Kris Aquino para magpagamot ng kanyang karamdaman.

Ayon sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” YouTube channel, isinakay si Kris ng private plane na hindi binanggit kung kanino.

Milyones nga raw ang halaga sa pag-arkila ng private plane na, ayon kay ’Nay Cristy, kung hindi siya nagkakamali ay aabot sa P20-30M.

Matatandaang matagal na dapat umalis si Kris patungong Houston pero ayaw pumayag ng kanyang mga doktor na lumipad siya hangga’t hindi stable ang kanyang blood pressure.

“Twelve hours kasi hanggang L.A (Los Angeles) lang, eh. To Houston, another five hours. Walang (doktor na) may gusto kasi baka nga may mangyari, sila pa masisi.

“Nagsalita na po ang espesyalista na Fil-Am na nasa Houston. Nakakatakot nga ang kanyang pagsasalita kasi ang bilin ni Kris, ‘be honest.’

“Na ‘wag magtatago kahit na anong detalye at nakalagay na kapag hindi pa nagpagamot si Kris Aquino sa lalong madaling panahon, napakaiksi na lang ng oras na kanilang tatawirin,” kuwento ni ’Nay Cristy.

Dagdag niyang tsika, pumirma pa ng waiver si Kris na anuman ang mangyari sa kanya sa pagpunta niya sa Houston ay walang pananagutan ang kanyang mga doktor.

“At tayo naman ay ipagpatuloy pa rin natin ang pagdarasal sa kanya. Bigyan natin siya ng ilang minutong taimtim na panalangin para maligtasan niya itong sitwasyon niya ngayon,” sey ni ‘Nay Cristy.

Maging ang batikang manunulat at talent manager na si Lolit Solis, humihiling din ng panalangin para kay Kris.

“Sana naman kayanin niya mga medical procedure at tanggapin ng katawan niya ang mga gamot para sa kanyang paggaling.

“Sure ako na feeling anxious siya dahil nasa malayo at wala sa paligid ang mga lagi niyang kasama.

“Pero alam ni Kris Aquino na talagang kailangan niya ang mahabang gamutan para mabalik sa dati ang health condition niya. Very prayerful si Kris, at sa dami din ng mga natulungan niya na tiyak na ipinagdarasal siya, baka magkaruon ng miracle at gumaling siya.

“Let us pray more for Kris Aquino, too young to be suffering, at para narin sa mga anak niyang si Joshua at Bimby, na kailangan pa ang guidance at pagmamahal niya. Fighting Kris, kaya mo iyan,” ang pahayag ni ’Nay Lolit sa kanyang Instagram account.

AUTHOR PROFILE