Default Thumbnail

CP snatcher niresbakan, motor inisnatch ng biktima

October 31, 2023 Edd Reyes 239 views

IMBES na kumita, lugi ang snatcher ng cellphone nang agawin ng kanyang biktima ang susi ng kanyang motorsiklo at dinala sa istasyon ng pulis sa Las Piñas City.

Hindi nag-panic ang biktima dahil dinala niya sa Las Piñas Police Station ang motorsiklo ng suspek at ireklamo ang pagnanakaw ng kanyang cellphone.

Hindi mapigil ni P/Col. Jaime Santos, hepe ng La Pinas police, ang mapangiti sa ginawa ng biktimang si Mark Russel Zapata, ng Imus, Cavite.

Ayon kay Col. Santos, nakipambuno ang biktima sa snatcher na nakasakay sa motorsiklo nang hablutin ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P10,000.

Sa gitna ng pakikipambuno, naagaw ng bikitma ang susi ng motorsiklo sa suspek.

Nang dumami na ang nakakasaksi, napilitang tumakbo patakas ang suspek tangay ang cellphone ni Zapata, at sinakyan naman ng biktima ang motorsiklo ng snatcher papunta sa police station.

“Napakapambihirang kaso po nito dahil ito po ay nangyayari lamang sa TikTok,” pahayag ni Col. Santos.

Nakuha ng mga pulis sa motorsiklo ang identification card ng suspek na residente ng Bacoor, Cavite kaya’t nagsasagawa na sila ng follow-up operation para matimbog ang snatcher.

AUTHOR PROFILE