Default Thumbnail

Construction boy patay sa encounter sa Port Area

February 6, 2022 Jonjon Reyes 244 views

PATAY at sinasabing nanlaban diumano ang isang 30-anyos na construction worker, makaraang paputukan ang mga rumespondeng tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil umano sa ginawa nitong panunutok ng baril sa dalawang katao, kabilang ang isang menor de edad, sa Port Area, Manila, madaling araw ng Sabado.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspek na nakilalang si Anwar Monsalud Marañon alyas “Botchok”, residente ng 12th Street, sakop ng Barangay 650, sa Port Area.

Bago naganap ang engkuwentro, tinutukan umano ng baril ni Marañon ang isang Emran Sanpada, nasa hustong gulang, at menor de edad .

Base sa ulat na isinumiti ni Det.Jero Santos kay P/ Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD-Homicide Section, si Sanpada ay nasa hagdanan sa ikatlong palapag sa inuupahang bahay nang tutukan umano ito ng baril ni Marañon pasado alas 9 a.m. Sabado.

Wala naman daw umanong nagaganap na away sa dalawa o problema sa pamilya ang suspek.

Nagulat pa umano si Sanpada, nang kalabitin ni Marañon ang dalang baril , subalit hindi ito pumutok.

Dahil dito, tumalon mula sa hagdanan si Sanpada, sa takot na muli itong tutukan at paputukan.

Nakatayo naman noon ang isang menor de edad, at maging ito ay tinutukan din umano ng baril ng suspek.

Nang makarating si Sanpada sa kanilang Barangay sa Brgy.650 ,agad na isinumbong ang ginawa ni Marañon. Matapos magpa-blotter, nagreport na si Sanpada kasama ang ilang barangay tanod sa Police Community Precinct 4 na sakop ng MPD – Baseco Police Station 13.

Agad namang nagresponde sina P/Cpl. Erwin Icay, Patrolman Victor Victor, at Pat. Miguel Casañares.

Tinangs umano ng suspek na manlabanat saka umano pinaputukan umano si P/ Cpl.Icay, subalit masuwerte itong hindi tinamaan.

Dahil dito , napilitan nang gumanti ng mga putok sina Pat. Victor at Pat. Casañares , hanggang sa nagkaroon ng palitan ng putok. Jon-Jon Reyes & C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE