Default Thumbnail

P100K shabu nakumpiska; pusher, buyer timbog sa Tondo

February 6, 2022 Jonjon Reyes 333 views

INARESTO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Manila Police District (MPD) ang isa umanong drug pusher habang naaktuhan umanong bumibili ng droga ang tatlo nitong parukyano sa buy-bust operation Biyernes ng gabi sa Tondo, Manila.

Kinilala ang target ng operasyon na si Michael Sto Niño, 46, may asawa, vendor, ng 987 – C Dagupan St., Tondo.

Timbog din ang umano’y mga parukyano o buyer na sina Frederick Salonga, 49 , may asawa , vendor ng 956 Elcano St., Tondo; Joy Manlulu,32 , binata , helper, ng 310 B L Ibarra St.,Tondo ; at Mathew Crisostomo, 29,, binata, vendor, ng 309 Romana St., Tondo.

Ayon kay P/ Lt.Col. Harry Ruiz Lorenzo lll , MPD- Moriones Police Station 2 commander, bandang 8:30 p.m. nang magsagawa ng buy bust ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng Dagupan St., sakop ng Brgy. 49.

Pinangunahan ni P/ Lt. Jomar De Belen , hepe ng MPD-SDEU ang buy bust. Si P/ Cpl.Mark John Alvarez ang nagsilbing poseur buyer.

Narekober kay Sto.Niño ang hinihinalang shabu na tumitimbag sa 11.5 gramo katumbas ng halagang P90, 240. Jon-jon Reyes & C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE