Collen

Coleen, nagpasalamat kay Direk Roman

December 4, 2022 Ian F. Fariñas 123 views

TULOY ang winning streak ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia dahil matapos makamit ng aktor ang titulong grand champion sa katatapos na Dancing with the Stars competition sa France, ang aktres naman ang tinanghal na best actress sa El Grito International Fantastic Film Festival sa Venezuela.

Nagwagi si Coleen para sa kanyang pagganap sa Vivamax horror movie na Kaluskos na idinirek ng cult director na si Roman Perez Jr.

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi ng Viva Artists Agency talent na honored siya sa tinanggap na best actress trophy.

Ani Coleen, “Yesterday I woke up to the exciting news that I won Best Actress at the El Grito International Fantastic Film Festival in Venezuela! Thank you so much to the jury for selecting me. I am so honored!”

Pinasalamatan din niya si Direk Roman sa tiwalang ibinigay sa kanya.

“Thank yooouuu, Direk @manru and @viva_films, for the trust, and for giving me the opportunity to play Rebekah,” ani Coleen.

Patuloy niya, “Thank you, Lord, for carrying me through all of it. I learned a lot from this project, and working on it really reminded me why I love what I do!”

AUTHOR PROFILE