Jake

Jake, game maghubad sa ‘Dick Talk’

December 4, 2022 Ian F. Fariñas 238 views

PROVOCATIVE. Brave.

Sa mga ganitong proyekto nalilinya si Jake Cuenca lately at aminado siya na nauhaw siya sa paggawa ng pelikula’t mga stage play sa loob ng tatlong taong pagkawala sa eksena.

Mula sa controversial Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang My Father, Myself, muli siyang sasabak sa isang mapangahas na proyekto, ang stage play na Dick Talk, kung saan gagampanan niya ang papel ng isang porn star.

Sa presscon na dinaluhan din ng co-stars niyang sina Mikoy Morales, Gold Aceron at Nil Nodalo, pati na ang direktor nilang si Phil Noble at V-Roll Media Ventures producer na si Eboy Vinarao, sinabi ni Jake na handa siyang maghubad sa Dick Talk.

“Kung gusto ninyo, ngayon na! I am confident enough to take off my clothes for this play, hahaha,” ani Jake.

From the title itself, obvious na usapang “junjun” o ari ng lalaki ang stage play na produced ng V-Roll Media Ventures kasama ang Trifecta Media Lab ni Tristan Cheng.

Paliwanag ni Jake sa pagtanggap ng Dick Talk, “Nagutom talaga ako three years. Sabi ko, parang, kumbaga, I really do mean it na parang ‘yung three years, I really wanted to perform. So, more than just saying it, more than describing how much I wanted to do it, tinanggap ko na lang nang tinanggap ‘tong mga project na ‘to na alam kong gagawa ng impact, magku-cause ng conversation, ‘di ba?

“Sabi ko, whether it’s positive or negative, I invite a conversation. At the end of the day, kaya naman kami gumagawa ng teatro, kaya kami gumagawa ng pelikula, is that para paglabas nila ng teatro or sinehan, pinag-uusapan nila ‘yung ginagawa namin.

“So, for me, I’m happy, blessed na I’m part of this provocative, brave project na ‘yun din ‘yung description nila sa pelikula namin… na provocative and brave. At ‘yun, natutuwa lang ako na natatabi ‘yung pangalan ko sa mga salitang ‘yon.”

Mapapanood ang Dick Talk sa RCBC Theater sa April 2023.

AUTHOR PROFILE