Default Thumbnail

COA audit ng NCAP ‘aprub’ sa Maynila

September 5, 2022 Paul M. Gutierrez 303 views

PaulSA nakaraang ‘Meet the Press Report to the Nation’ media forum ng National Press Club of the Philippines (NPC), natutuwa naman ang mga miron sa sagot ni Atty. Kristal Abante at Konsi “Tol” Zarcal, na “nakahanda” at “welcome” sa lungsod ng Maynila sakaling magsagawa ng ‘audit’ ang Commission on Audit (COA) hinggil dito sa ‘NCAP’ (no contact apprehension program) na mas kinagigiliwan ngayong tawagin ng mga biktima nito bilang ‘abbreviation’ ng ‘Nasa Camera Ang Pera,’ hehehe!

Matatandaan na noong nakaraang Martes, Agosto 30, nag-isyu ng ‘TRO’ (temporary restraining order) ang Korte Suprema na nagpatigil sa NCAP ‘until further notice,’ wika nga.

Bagaman “nalungkot” ang mga LGUs, katulad ng Maynila—“nadamay” pa ang MMDA—sa TRO ng SC, sinabi pa nina Tol “The Better” Zarcal (anak ng ating kaibigan na si ex-Konsi Letlet Zarcal) at Atty. Kristal (anak naman ng isa pang kaibigan na si Cong. Benny Abante), sinabi pa nilang agarang pinulong ni Mayora Honey Lacuna ang kanyang mga opisyal na ‘in charge’ dito sa NCAP (mayroon kasing ‘special committee’ para dito), kasama ang MTPB o ‘Manila Traffic and Parking Business,’ upang tiyakin na magiging maayos pa rin ang daloy ng trapiko sa Maynila at bilang pagtalima na rin sa atas ng SC.

May “kahabaan” ang suspensyon ng NCAP dahil nga sa unang pagkakataon, “napakatagal”—sa Enero 2023 pa—itinakda ng SC ang unang ‘oral argument’ hinggil sa NCAP.

Ayon naman sa mga miron, “kung marunong “makahalata” ang LTO, ang pangunaging kakutsaba ng mga LGUs sa operasyon ng NCAP at mga LGUs mismo, dapat ay “nakuha” nila ang “mensahe” ng SC na, ‘mga hijoh at hijah, ITIGIL na ninyo ‘yang NCAP!’

“Ngayon” lang kasi umano nagtakda ng oral argument ang SC sa isang isyu na aabot ng halos kalahating taon, hehehe!

Bagaman, dahil nga tigil muna ang NCAP, nagpapanukala ang iba pang mga grupo na baka puwedeng “umeksena” muna ang COA at busisiin, himayin ng husto, itong milyon-milyon na kinita ng NCAP at kung talaga bang sumusunod sa mga reglasyon ng COA at iba pang mga batas ang mga resolusyon ng mga LGUs na nagpatupad nito. Ano sa tingin mo, COA chair Joe Calida, sir?

Oh yes, dear readers, mataas bigla ang respeto ng mga Pinoy sa COA sa pagkatalaga ni PBBM kay ex-SolGen Calida bilang bagong COA chairperson.

Eh, bakit hindi samantalang ‘yung mga abusadong grupo katulad nitong ABS-CBN at Rappler, sino ba ang “nagtrabaho” para mailabas ang kanilang mga “baho,” hindi ba ang Office of the Solicitor General sa ilalim ni Atty. Joe Calida?

Sino rin ba ang bumigo sa sabwatang COMELEC at Rappler noong eleksyon hindi rin ba si SolGen Calida? At National Press Club, siyempre, hehehe!

Sa “ideya” na dapat makialam ang COA dito sa isyu ng NCAP sa pamamagitan ng “walang sasantuhin” na audit, aprub na aprub din si Atty. Ariel Inton, ang pangulo ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) na matagal nang bumabatikos dito sa NCAP.

Bakit kanyo? Eh, kasi nga, “mataas ang tiwala” niya kay Calida!

Kaya nga, COA chair Joe Cal, sir, huwag ka nang magtaka kung may dumating sa iyong mga sulat na nakikiusap na busisin mo itong NCAP! At puwede ka rin naman umeksena siguro, motu propio, dahil kasama ito sa mandato ng COA, hindi ba, sir?

At dahil nagpahayag naman ng kanilang ‘openness’ ang lungsod ng Maynila sa COA audit, eh, wala tayong nakikitang magiging probema, tama ba, mga bosing?

Harinawa na ganito rin ang posisyon ng iba pang LGUs!

Abangan!

AUTHOR PROFILE