Default Thumbnail

Chinese nat’l naging sanhi ng tensyon sa condo

July 3, 2022 Jonjon Reyes 286 views

NAGKAROON ng tensyon sa ika 32 palapag ng Century Pearl Tower , makaraang magpambuno ang security guard at ang isang 29-anyos na Chinese national Sabado ng hapon sa Adriatico St., Ermita, Manila.

Kinilala ni P/ Lt.Col. Jonathan Villamor, Manila Police Station 5 commander, ang suspek na si Ji Ming, nanunuluyan sa naturang condominium.

Una rito, nagtungo si Emmalene Uy , Administation head ng Vertex Digital Entertainment Texhmologis Inc. sa condo ni Ming bandang 2:30 p.m. upang singilin umano ng halagang P1,500,000 na sahod umano ng mga empleyado ng call center.

Nagkaroon umano ng komosyon sa loob ng unit ni Ming at nagsisigawan na umano sila na narinig ng nag roroving na si Jose Baraya na agad humingi ng tulong sa MPD.

Tinangka pa nitong pakalmahin ang Tsino, pero naging mapusok at mainit ito at nakuha pang isalya ang security guard, hanggang sa magpambuno ang dalawa at maipadapa sa sahig si Ming at posasan.

Matapos na mareport at maipa-blotter ang suspek, dinala ito sa MPD – Station 5 bago itinurn over sa MPD- General Assignment Investigation Section at Criminal Investigation Section sa ilalim ni PMaj. Rommel Anicete, chief ng CIS0CUDU ng MPD.

Si Ming ay nahaharap sa kasong alarm and scandal , slander at estafa. Ang may hawak ng kaso ay si PSSG.Enjason Fernandez,ng GAIS-MPD.

AUTHOR PROFILE