Default Thumbnail

Drug target, 3 kasama arestado sa Sta Cruz

July 3, 2022 Jonjon Reyes 256 views

DAHIL sa isang impormante , nasukol ng mga operatiba ng Station Anti- Illegal Drug Enforcement Unit ng Manila Police District- Sta.Cruz Police Station 3 ang lider umano ng Duero Crime Group, kasama ang tatlo pa sa isinagawang pagsalakay sa umano’y rampant na bentahan ng shabu sa Oroquieta malapit sa Lope De Vega St. sakop ng Brgy.312 Sta.Cruz, Manila Sabado ng gabi.

Dahil dito naaresto ang target ng operasyon na nakilalang si Jessie Duero at tatlo pa nitong kasama.

Batay sa ulat na isinumite ni P/ EMS Rommel Rey kay P/ Lt.Col. John Guaigui , MPD Station 3 Commander, bandang 7:30 p.m. nang matimbog ang mga suspek ng mga operstiba na pinangunahan ni P/ EMS Rey , kasama sina P/Cpl Richard Racca, Pat Allan Apostol ; P/Cpl Jerald Valencia, P/Cpl Ruvian Manlapas, Pat Alvin Olitres, P/Cpl Anthony Bernal, PCpl Roger Soria at P/Cpl Jason Magpantay.

Ayon kay P/Cpl Aaron John Nocum, may hawak ng kaso, narekober sa mga suspek ang nasa 800 gramong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P54,400.

AUTHOR PROFILE