Default Thumbnail

P.3M shabu, 3 huli sa buy-bust operations sa Malabon, Caloocan

July 3, 2022 Edd Reyes 227 views

MAHIGIT sa 57 gramo ng shabu na aabot sa P393,516 ang nakumpiska ng pulisya sa tatlong lalaki, kabilang ang isang high value individual (HVI), sa magkahiwalay na buy-bust operation Linggo ng madaling araw sa mga Lungsod ng Malabon at Caloocan.

Nadakip ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot si Manuel Lacanilao, 37 ng Brgy. Bagumbayan South, Navotas City matapos pagbentahan ng shabu na nagkakahalaga ng P300.00 ang isang tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-3:30 ng madaling araw sa kanto ng C-4 Road at Leoño St. sa Brgy Tañong sa naturang lungsod.

Nakuna kay Lacanilao ng mga operatiba ng SDEU ang humigit kumulang sa 3.17 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P21,556.00 at ang markadong tatlong piraso ng tig-P100 piso.

Kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga ang isasampa ng pulisya kay Lacanilao sa piskalya ng Malabon.

Nauna rito’y nadakip sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina si Ricardo Dela Cruz, Jr. 46 dakong ala-1:30 ng madaling araw sa aktong nagbebenta ng shabu sa nakatakas niyang kliyente sa tapat ng kanyang bahay sa Brgy. 177 Maligaya Park habang ala-1:40 naman ng mahuli Mario Ramirez, 45, malapit sa kanilang tirahan sa Intan St. Brgy. 153 Bagong Barrio West dahil sa hindi pagsusuot ng face mask.

Bago pa man ma-isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) si Ramirez ay biglang kumaripas ng takbo patakas na dahilan upang habulin siya ng mga pulis hanggang sa madakip.

Ayon kay Col. Mina, si Dela Cruz, na high HVI, ay nakuhanan ng humigit kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 340,000.00 habang nakuha naman kay Ramirez ang humigit-kumulang 4.7 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P 31,960.00

Si Ramirez ay nahaharap sa patong-patong na kasong paglabag sa ordinansa kaugnay sa hindi pagsusuot ng face mask, disobedience to a person in authority at possession of dangerous drug habang paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa laban kay Dela Cruz sa piskalya ng Caloocan.

AUTHOR PROFILE