Default Thumbnail

Chinese nat’l kalaboso dahil sa panloloko

May 1, 2023 Edd Reyes 174 views

NABISTO ang ginawang panloloko diumano ng babaeng Chinese sa lalaking kanyang kababayan nang manghimasok na ang mga security personnel sa kanilang pagtatalo sa loob ng isang kilalang resort and casino Lunes ng umaga sa Parañaque City.

Nang dalhin ng mga security personnel ng resort and casino na nasa Seaside Drive, Entertainment City, Bgy. Tambo ang dalawang dayuhan sa Tambo Police Sub-Station dito na nabisto ang panloloko umano ng babaeng dayuhan sa kanyang kababayan.

Sa natanggap na ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Kirby John Kraft, hinimok ng suspek na may alyas na “Cheng Ye”, 30, and kababayang lalaking Chinese, na bigyan siya umano ng P2,300,000 na katumbas ng ipinapapalit niyang 290,000 Renminbi (RMB) sa pamamagitan ng online payment.

Nang maibigay ng biktima ang naturang halaga, tumanggi na ang suspek na ibigay ang kanyang RMB na katumbas ng tinanggap na salapi tulad ng kanilang napagkasunduan kaya’t nang magkita sila sa loob ng resort and casino dakong alas-5:10 ng umaga, humantong na ang kanilang pag-uusap sa mainitang pagtatalo na nakatawag pansin sa mga security personnel na nagdala sa kanila sa Tambo Police Sub-Station.

Batay sa ulat, sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Art. 315 ng Revised Penal Code o “Estafa thru Swindling” ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE