Default Thumbnail

CDO COPS, NAKAKUMPISKA NG MAHIGIT P6-M SHABU

April 11, 2024 Alfred P. Dalizon 84 views

MAHIGIT P6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa Cagayan de Oro City sa dalawang ‘high-value targets’ sa Northern Mindanao nitong nakaraang Lunes, sinabi ni Police Regional Office 10 director, Brigadier General Ricardo G. Layug Jr. kahapon.

Kinilala ng opisyal ang mga nadakip na suspects na sina Imelo Pacaldo,46; at Joebel Gulagula,44, kapwa residente ng Kolambog, Barangay Lapasan sa Cagayan de Oro City.

Nadakip ang dalawa bandang alas-9 ng gabi ng Lunes matapos na sila ay magkuntsaba na ibenta ang droga sa isang undercover officer mula sa Cagayan de Oro City Police Drug Enforcement Unit.

Nakumpiska ng mga pulis ang 28 piraso ng heat-sealed plastic sachets na may lamang 1,010 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,686,000, ang buy-bust money na may kasamang isang marked P1,000 bill, isang kalibre .38 na revolver na may limang bala at isang digital weighing scale.

Sinabi ni Brig. Gen. Layug na ang dalawa ay nahaharap sa non-bailable na mga kasong iligal na posesyon at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013.

AUTHOR PROFILE