Carwash

Carwash boy niyari ng padyak driver

March 8, 2024 Jonjon Reyes 116 views
Turla
ANYARE?–Sinisiyasat ni Police Capt. Dennis Turla ang isinumiting report kaugnay sa pananaksak sa leeg at dibdib ng biktima na isang carwash boy. Kuha ni Jon Jon Reyes

DEDO ang carwash boy matapos tarakan ng balisong sa leeg at dibdib ng kainuman sa Delpan St. sa panulukan ng C.M. Recto Avenue, Tondo, Maynila noong huwebes.

Kinilala ang namatay na biktima na si Mervin Christian Bustllo, ng 223 C. M. Recto Avenue, Tondo.

Nakatakas ang suspek na armado ng balisong na nakilala na alyas Julius, isang pedicab driver.

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:55 ng gabi habang nag iinuman ang biktima at suspek.

Naisugod pa ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero namatay dakong 10:45 ng gabi.

AUTHOR PROFILE