Default Thumbnail

Bangkay ng kelot natagpuan sa MWSS compound

March 8, 2024 Melnie Ragasa-limena 79 views

AGNAS na ang bangkay ng lalaki na may tali pa sa leeg nang madiskubre noong Huwebes sa Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) compound sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang bangkay dakong alas-10:00 ng umaga sa loob ng tower 11, MWSS Compound, Quirino Highway, Brgy. Greater Lagro.

Ayon kay PSSg. Nido Gevero, Jr., naka-pantalon, itim na hoodie, rubber shoes at cap ang biktimang lalaki.

Napag-alamang ilang construction worker ng MRT 7 ang nagbigay ng impormasyon sa mga forest protection officers na sina Roden Lacbayen at Orlando Guira na nakalanghap sila ng masangsang na amoy sa lugar.

Nang tunguhin ang lugar, dinatnan nila ang bangkay na may electrical cord na nakapulupot sa leeg na nakasabit sa puno.