LTO

Road rage driver inireklamo na

March 8, 2024 Melnie Ragasa-limena 96 views

NAKIKIPAG-UGNAYAN na sa Land Tranportation Office (LTO) ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa driver ng isang SUV na naglabas umano ng baril sa nangyaring road rage sa lungsod nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay PSSg Babes Bien Santos ng QCPD, tumawag sa Street Watch 911 ang biktimang si Joey Sy, 36, operations manager at residente ng 8340 Bota Flores Street, Lagro, Quezon City upang ireport ang driver na kanyang nakaalitan.

Batay sa salaysay ng biktima, bandang 9:30 ng umaga nitong Huwebes nang muntik na silang magkabangaan ng driver ng Mitsubishi Montero na may plakang no. UUO 699 sa Elliptical Road.

Ngunit pagdating sa panulukan ng Quezon Avenue at West 4th, naglabas ng baril ang driver ng SUV.

Dahil sa takot pinaharurot ng biktima ang kanyang sasakyan patungong airport kung saan ihahatid ang kanyang pamilya.

Sa kawalan ng dash cam, piniktyuran na lamang umano ng biktima ang plaka ng sasakyan ng suspek.

Sinisiyasat na rin ng pulisya ang CCTV footage sa lugar.