Francisco

Carnap suspect timbog sa NAIA

May 31, 2022 Jonjon Reyes 312 views

NAGING alerto ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa naging aksyon nila sa isang 48-anyos na wanted sa Pampanga, makaraang matunton ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay, hapon nitong Lunes.

Plano sanang takasan ang batas ng suspek na carnapper ang batas ngunit nahulog ito sa mga kamay ng awtoridad. Ang suspek ay residente ng Bgy. Pulong Palazan, Candaba, Pampanga.

Base sa ulat na ipinarating kay MPD-Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco, bandang 5:00 ng hapon nang maispatan ang suspek sa NAIA dahil sa isang “tip na umano’y tatakas ang suspek ayon kay P/EMS Vicente Maborrang, hepe ng Warrant and Subpoena Section ng MPD-Barbosa Police Station 14.

Dahil na rin sa ipinatutupad na “Oplan Pagtugis” (Manhunt Charlie) nagawa ng mga awtoridad na agad arestuhin ang suspek.

Inihain ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Rodrigo Ido Del Rosario ng Regional Trial Court Branch 114 ng Angeles Pampanga na may petsang Marso 10, 2022 sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972 na inamiyendahan sa R.A.10883.

Ang suspek ay nasa listahan ng top 4 “most wanted” sa station level at may piyansang P300,000.

AUTHOR PROFILE