Carnap suspect nang- agaw ng baril, todas

September 13, 2022 Jonjon Reyes 176 views

NAMATAY ang isang 23-anyos na carnap suspect makaraan umanong mang-agaw ng baril habang iniimbestigahan madaling araw ng !artes sa Smokey Mountain PCP MPD Station1 sa Tondo, Manila.

Kinilala ni Police Lt.Col.Gene Licud, commander sa Raxabago Tondo ng Manila Police District – Station 1, ang suspek na si Artjohn Arufo , residente ng Rodriguez St.,Balut.

Batay sa ulat ng Smokey Mountain Police Community Precinct a sakop ng Station 1, bandang 12:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing PCP sa Mel Lopez Boulevard, Vitas.

Iniimbestigahan si Arufo, nang nang-agaw umano ito ng baril mula kay PEMS Erwin Bacungan,50, Deputy ng SM PCP, at nagpambuno ang dalawa.

Dito umano pinaputukan sa ulo si Arufo na dineklarang dead on arrival sa sa Gat Andres Memorial Medical Center.

Ayon kay Det.Errol Aguila ng MPD- Homicide Section, isasailalim pa rin sa imbestigasyon ang insidente.

AUTHOR PROFILE