Gulong ng trak sumabog sa Nagtahan Bridge, 3 sugatan

September 13, 2022 Jonjon Reyes 132 views

TATLONG sakay ang sugatan makaraang sumabog ang kanang likurang gulong ng isang Isuzu Utility Van na may hatak hatak na concrete pump at tumagilid Martes ng umaga sa Nagtahan Flyover sa Southbound lane sa San Miguel, Manila.

Nakilala ang driver na si Romelito Cañete.

Ang tatlong lulan ng sasakyab ay nagtamo ng minor injuries.

Batay sa ulat ni Police Master Sargent, John Mark Estrada, may hawak ng kaso, ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU) bandang 6 a.m. nang maganap ang insidente.

Sa report ng pulisya, binabagtas ni Cañete ang kahabaan ng tulay ng Nagtahan lulan ng Isuzu Elf Utility Van (NFY 4417) nang sumabog ang gulong. Tumagilid ang sasakyan at bumangga ang kanang unahan ng sasakyan.

AUTHOR PROFILE