Susan

Burol ni Susan, may public viewing

May 21, 2022 Ian F. Fariñas 476 views

NAGLULUKSA ang buong showbiz sa pagpanaw ng movie queen na si Susan Roces (Jesusa Sonora Poe sa totoong buhay) nu’ng Biyernes ng gabi sa edad na 80 dahil sa heart attack.

Mismong ang anak nitong si Sen. Grace Poe ang kumumpirma sa balita sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ani Sen. Grace, “With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends.

“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindess. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure.”

Kahapon, inanunsyo na ng pamilya na magkakaroon ng public viewing ang wake sa Heritage Memorial Park sa Taguig City simula ngayong May 22 hanggang May 24, 10 a.m.-10 p.m.

Istrikto ipatutupad sa burol ang minimum health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pag-o-observe ng social distancing.

Para naman sa fans ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na gustong magpahatid ng kanilang huling respeto virtually, magbibigay din ang pamilya ng Zoom link para sa daily Mass.

As of presstime, pina-finalize pa ang mga detalye sa libing ni Tita Susan.

Samantala, bumuhos ang tribute para sa aktres mula sa mga artistang nakatrabaho at naging kaibigan.

Una na rito si Coco Martin, na matagal niyang nakasama bilang Lola Flora sa ABS-CBN action series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa Instagram post ng aktor, sinabi niya na, “Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, pag gabay at pag aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!”

Si Judy Ann Santos naman, ito ang ipinahatid na mensahe sa pagpanaw ni Tita Susan: “Nakakalungkot… pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong makilala at makasama ang nag iisang reyna ng pelikulang pilipino.. your generosity, your genuine love and words of wisdom.. yung pag spoil mo sakin sa taping ng probinsyano, yung masarap at mahigpit mong yakap tuwing nagkikita tayo.. yung malutong na tawa mo at tapang ng loob sa maraming bagay.. at higit sa lahat.. yung tunay na pagmamahal at pakikipag kapwa tao ang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan.. lahat ng itinuro mo sakin.. sisiguraduhin kong ipasa sa iba pang mga kabataang asa industriya natin.. rest in peace tita susan..”

Isang lumang litrato naman ni Tita Susan kasama ang yumaong asawa na si Da King Fernando Poe Jr. ang ipinost ni Angel Locsin sa IG kasama ang caption na: “The Queen and The King”
“Unang kong nakita si Ms. Susan sa set ng Mano Po 2. Maliit lang ang aking role at nahiya naman akong magpa-picture. Then sa isang sitcom with Tito Dolphy, masuwerte ako na maging guest. Maliit rin naman ang role, pero hindi ko na pinalagpas ang opportunity at nagpapicture na talaga ako! Napaka-totoo, regal, makatao, mahusay, maalaga. Sayang at nag crash ang laptop ko 🙁 Hindi ako nagkaroon ng mahabang pagkakataon na makatrabaho ang isang Susan Roces, ngunit nabiyayaan ako ng mga sandaling makausap at makasama ang isang reyna. Ang respeto at paghanga ko sa kanya ay napakataas. Ang mga payo at paguusap namin ay aking panghahawakan. naalala ko, during mulawin, nagpapadala si tita Susan ng cheese pimiento sandwich for us. Nakikiramay po ako sa pamilya at sa lahat po ng nagdadalamhati ngayon.”

Umayon si Bea na buong industriya nga ang nagluluksa sa pagkawala ng isang acting legend.

Aniya, “The entire industry is grieving and you will be missed, Tita Susan. You have taught me so much in a short time that we worked together. Naaalala ko pa nung sinabi mong kapag masama ang loob ko, isulat ko lang sa papel lahat ng galit ko, at sa isa pang papel, isulat ko naman ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko, at bago pa man akong matapos magsulat, mawawala na ang galit ko. Hanggang ngayon ginagawa ko pa rin po ito.

“Thank you so much for your wisdom, humility and generosity.

“You are loved, our queen.

“Rest in peace.”

Si Sen. Bong Revilla, nakiisa sa kalungkutan sa Facebook status niyang, “Nagluluksa ang buong industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng Queen of Philippine Movies, Susan Roces.

“Higit sa kanyang mahusay na pagganap at hindi malilimutang papel sa pinilakang tabing at sa telebisyon, higit na tumatak sa lahat ng mga nakakakilala at nagmamahal sa kanya ang kanyang mabuting puso.

“Labis ang aming pangungulila sa pagkawala ng isang haligi at yaman ng pelikulang Pilipino.

“Ninang Susan, you may be gone but you will forever be in our hearts. Rest In Peace in the loving arms of our Lord.”

Ang taus-puso pong pakikiramay ng People’s Tonight sa pamilya Sonora-Poe. May you rest in peace, Tita Susan.

AUTHOR PROFILE