Susan1

Paalam, Tita Swanie!

May 21, 2022 Mario Bautista 616 views

KAMI ay diehard Susan Roces fan, tunay na movie queen of the 1960s. Sabi, may ginawa siyang movie as a child star pero never naming napanood. Ang natatandaan namin ay ipinakilala siya ng Sampaguita Pictures sa “Pilya” bilang suporta sa 50’s movie queen na si Gloria Romero. Then, inilunsad na siya agad sa “Boksingera” ni Mars Ravelo in 1956 noong 15 years old lang siya.

Nagkasunud-sunod na ang mga pelikula niya pagkatapos noon: “Torkwata”, “Prinsesang Gusgusin”, “Susanang Daldal”, and “Debutante”. Kasama rin siya sa star-studded films like “Sino ang Maysala”, “Mga Ligaw na Bulaklak” and the omnibus films na “Wedding Bells” at “Pitong Pagsisisi”.

Pinagtambal sila ng karibal niyang si Amalia Fuentes sa “Mga Reyna ng Vicks”, “Tawag ng Tanghalan” and “Tulisan”. Madalas niyang kapareha si Romeo Vasquez pero tumulong siya sa paglulunsad kina Eddie Gutierrez and Jose Mari sa stardom. Isang memorable Sampaguita movie niya ay ang true-to-life drama, “Dope Addict”, based on the exploits of Manila Times reporter Rod Reyes.

Later on, pinayagan siya ng Sampaguita na gumawa ng movie sa ibang kumpanya. Ginawa niya sa FPJ Productions “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”, her first movie with Fernando Poe, Jr. na humantong sa harap ng altar. Marami pa silang pinagtambalang mga pelikula gaya ng “Pilipinas Kong Mahal” (a war movie), “Magpakailanman” (a musical), “Perlas ng Silangan” and “Zamboanga” (both costume dramas), “Divina Gracia” (with Susan playing a dual role), “Langit at Lupa” (one of the best love stories ever) and the comedies “Karnabal” and “Manedyer, Si Kumander”.

Para sa Lea Productions, ginawa niya ang hit film version of the komiks novel about reincarnation, “Maruja”. Later on, tinatag ni Susan ang sarili niyang kumpanya, Rosas Productions, and she produced several films like “To Susan with Love”, “Bandana”, “Kulay Rosas ang Pag-ibig”, “Florinda”, the horror flicks “Patayin Mo sa Sindak si Barbara” and “Maligno”, both directed by Celso Ad. Castillo and gave her two FAMAS best actress awards.

Pero sa palagay namin, ang best film ni Susan ay ang “Ana Roberta”, where she played the missing heiress of Rosa Mia. Dalawang roles ang ginampanan niya, ang tunay na tagapagmana and the impostor. Sayang at wala siyang napanalunang acting award for this film na wala na raw existing copy. How sad.

Gumawa rin siya ng hit drama movies with Regal Films like “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” and “Paano Kung Wala Ka Na” and with Seiko Films like “Mundo Ma’y Magunaw” .

Una naming na-interview si Susan Roces in 1978 nang pino-promote niya ang “Gumising Ka, Maruja”, directed by Lino Brocka. Ang kaibigan niyang si Baby K. Jimenez ang PRO at dinala niya kami sa bahay nina Susan at FPJ sa Greenhills. Lumabas ang interview namin as a series of articles for the then Daily Express.

Mula noon, tuwing makikita kami ni Susan sa ibang presscons and showbiz gatherings, lagi siyang very warm and friendly to us. Huli namin siyang nakita sa blow out ng “Ang Probinsyano” in ABS-CBN where she played Lola Flora. Nakapila kami sa buffet table nang may kumalabit sa amin: “Kumusta ka na?” Nang yumao ang misis namin, dumating si Susan to personally condole with us.

Paalam, dearest Tita Swanie. You left a lasting legacy in Philippine showbusiness. Hindi ka namin malilimutan at mananatili ka sa aming mga puso at gunita. You will surely be missed!

AUTHOR PROFILE