Boy

Boy, nanguna sa pagbibigay-pugay sa tatlong natatanging kababaihan sa Amerika

October 8, 2022 Ian F. Fariñas 233 views

Nagsama-sama sa isang event kamakailan sina Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Filipino-American businesswoman and philanthropist Loida Nicolas Lewis at Los Angeles-based Filipino-American businesswoman at CEO ng O Skin Care Olivia Quido-Co para sa isang intimate conversation na inorganisa ng Friends of the Philippines Society USA Incorporated (FPHSUSA Inc).

Ginanap noong September 23 sa Players NYC sa Gramercy Park sa New York City, dinaluhan ito ng ating mga kababayan mula sa tri-state area (New York, New Jersey at Connecticut), supporters at allies ng Filipino community, executives mula sa Miss Universe Organzation, mga negosyante at iba pa.

Sumentro sa “women empowerment” ang kuwentuhan na pinangunahan ni Asia’s King of Talk Boy Abunda.

Ibinahagi ni Boy ang ilang natatanging kuwento ng kasaysayan sa Amerika na hindi naging madali ang daan para sa mga kababaihan para mabigyan ng mga karapatang hindi nila natatamasa noon gaya ng “right to vote” o karapatang bumoto.

Sa loob ng mahigit isang oras, naging makulay ang pagbabahagi ng tatlong bisita ng kanilang mga kuwento ng tagumpay, adbokasiya at kuwento ng pag-ibig.

Si Quido-Co, binigyang-halaga ang paggabay ng kanyang mga magulang at ang salita ng Diyos sa pagpapatakbo ng kanyang O Skin Care sa Amerika, South America at iba pang bansa.

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran siya ng Asian American Minority Business Excellence Award.

Ayon sa event organizers na sina Jerry Sibal at Edwin Josue, “FPHSUSA Inc has bestowed an award to Olivia Quido-Co for her breakthrough success in mainstream USA with her skin care line as endorsed by the Miss Universe Organization.”

AUTHOR PROFILE