Sarah

Comeback single ni Sarah, nag-numero uno sa iTunes

October 8, 2022 Ian F. Fariñas 231 views

WAGI ang Popsters na mapanitili sa pagiging numero uno sa iTunes ang comeback single, Dati-Dati, ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo nang i-launch ito nitong Biyernes.

Consistent ito sa pagti-trend sa iba’t ibang platforms gamit ang hashtag na #SarahGisBack.

Kinarir nga ng Popsters (tawag sa fans ni Sarah) na hindi ma-dislodge ang Dati-Dati sa iTunes Top 200 songs chart (All Genres and Pop Daily) lalo pa nga’t may kasabay itong ni-launch na bigating K-pop song.

Pinapurihan din nila ang serye ng bagong labas na pictorial ng kanilang idolo mula sa lente ng sikat na photographer na si BJ Pascual.

Sa kanyang Instagram Story kahapon, nag-congratulate naman si Matteo Guidicelli sa kanyang misis para sa malaking tagumpay ng Dati-Dati.

Ani Matteo, “Very proud of my wife! She has been working extremely hard on this project. She’s a perfectionist.”

Pinasalamatan naman ni Sarah sa social media ang Popsters pati na ang team na bumuo ng concept video ng Dati-Dati.

Aniya, “Hi, Popsters! Sharing with you the concept video of my new song, Dati-Dati. Thank you to the team behind it for making it a great experience! Maraming maraming salamat din sa inyo Popsters para sa inyong suporta!”

Sa ngayon, patuloy na namamayagpag ang Dati-Dati sa iba’t ibang music streaming platforms tulad ng Spotify, Apple Music at YouTube.

AUTHOR PROFILE