Boy Abunda

Boy at Korina, pararangalan

July 20, 2021 Vinia Vivar 152 views

KorinaPormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng official nominees para sa 34th Star Awards For Television.

Kahit pandemic, ang tindi ng labanan sa mga nominado sa mga kategorya partikular na sa major awards tulad ng Best Drama Actress at Best Drama Actor.

Maglalaban sa Best Drama Actress sina Coney Reyes (Love of My Life), Jennylyn Mercado (Descendants of the Sun), Judy Ann Santos (Starla), Maja Salvador (The Killer Bride), Nora Aunor (Bilangin ang Bituin sa Langit), Sunshine Dizon (Magkaagaw) at Sylvia Sanchez (Pamilya Ko).

Magsasalpukan naman sa Best Drama Actor sina Alden Richards (The Gift), Coco Martin (FPJ’s Ang Probinsyano), Dingdong Dantes (Descendants of the Sun), Jeric Gonzalez (Magkaagaw) at JM de Guzman (Pamilya Ko).

Ngayong taon ay ibibigay sa King of Talk na si Boy Abunda ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award at ang Excellence In Broadcasting naman ay sa veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Idaraos ito sa pamamagitan ng virtual awarding. Iaanunsiyo sa mga darating na araw ang petsa at oras nito.

Nagpapasalamat naman ang PMPC sa Beautedem CEO and President na si Rei Anicoche Tan sa pag-sponsor sa Star Awards for TV trophies.

Narito ang listahan ng ilang nominado: Best TV Station: ABS-CBN 2, CNN Philippines, GMA-7, GMA News TV, IBC 13, Net 25, PTV 4, TV5 at UNTV 37; Best Primetime TV Series: FPJ’s Ang Probinsyano, Love of My Life, One of the Baes, Pamilya Ko, Starla, The Gift and The Killer Bride; Best Daytime Drama Series: Bilangin Ang Bituin Sa Langit, Dahil Sa Pag-ibig, Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Madrasta, Magkaagaw, Prima Donnas at Sandugo; Best Drama Actress: Coney Reyes, Jennylyn Mercado, Judy Ann Santos, Maja Salvador, Nora Aunor, Sunshine Dizon at Sylvia Sanchez; Best Drama Actor: Alden Richards, Coco Martin, Dingdong Dantes, Jeric Gonzales, JM de Guzman, Joey Marquez at Joshua Garcia.

AUTHOR PROFILE