Beadom

Relasyong Bea-Dominic, inilantad sa IG video

July 21, 2021 Vinia Vivar 234 views

Sa isang video na ibinahagi ni Dominic Roque sa kanyang Instagram Story sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan last July 20, tila inilantad na rin nila ni Bea Alonzo kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila.

Makikita sa video na magkasama silang dalawa and obvious na obvious sa kanilang kilos that they have a relationship, hindi na kailangan pa ng pag-amin although siyempre, mas okay kung mayroon.

At siyempre, kumpirmasyon din ito na magkasama talaga sila ngayon sa US.

Needless to say, kinilig nang bonggang-bongga ang kanilang fans dahil ang matagal na nilang inaabangang paglantad ng dalawa ay nangyari na.

“Long wait is finally over!!” komento ng isang netizen.

“Finally ang saya ng puso ko lalo,” reaksyon naman ng isang fan.

“What a wondeful birthday revelations just so happy for you both @dominicroque @beaalonzo stay inlove,” anang isa pa.

“Grabe bat nakakakilig, sobraaaaaaaa More plsssss,” comment naman ng isa ring BeaDom fan.

Masayang-masaya rin ang fans ni Bea sa nakikita nilang happiness ngayon ng aktres at wish nila ay huwag nang umiyak pa ang kanilang idolo at si Dom na ang “The One.”

SUNSHINE, ’DI NAKALIMOT SA GMA-7

Kahit Kapamilya na ay hindi nakalimot si Sunshine Dizon na magpahayag ng pasasalamat sa GMA-7 dahil sa kanyang dalawang acting nominations na natanggap mula sa 34th Star Awards for Television ng PMPC (Philippine Movie Press Club)

Nominado si Sunshine sa dalawang kategorya – Best Single Performance by an Actress para sa Magkano Ang Forever episode ng Tadhana at Best Drama Actress for Magkaagaw, both from GMA-7 ang kanyang dating home network.

Sa kanyang Instagram page ay ipinost ng aktres ang listahan ng official nominees kung saan siya nominado at aniya sa caption ay first time raw niyang magkaroon ng double nominations.

“Unang beses ko ata ito na double nomination. Salamat po PMPC. Nakakataba ng puso,” ani Sunshine.

Patuloy niya, kahit na nasa ibang bakuran na siya ay nagpapasalamat siya sa mga kasamahan sa GM-7 para sa nasabing mga proyekto.

“Nasa ibang bakuran at Pamilya man ako ngayon nag papasalamat pa din po ako at nabigayan ako ng pag kakataon na bigyang buhay si Laura sa Magkaagaw at si Bekang sa Magkano ang Forever.

Sa lahat ng bumuo at mga director lalo na sa Tatay Gil Tejada ko at mga writers congratulations,” saad ni Sunshine.

Bukod dito ay binati ni Shine ang dating kasamahan sa GMA-7 na si Gabby Eigenmann (Best Supporting Actor para sa Bilangin ang Bituin sa Langit) at Kapamilya stars na sina Cherry Pie Picache at Vina Morales (Best Drama Supporting Actress para sa Sandugo ng ABS-CBN).

AUTHOR PROFILE