Default Thumbnail

Bomba nadiskubre sa loob ng bahay sa Sampaloc

April 13, 2023 Jonjon Reyes 357 views

ISANG pinaniniwalaang hindi sumabog na “bomba” ang natagpuan sa loob ng isang bahay sa Maria Cristina Street, Sampaloc, Maynila Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Col. Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station (PS) 4, bandang 12:30 ng hapon, nang kusang loob na isinuko ng isang lalaki ang nadiskubreng pampasabog sa kanilang bahay na pag-aari ng kanyang ama habang naglilinis umano ito sa lugar.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ni Villaruel, na naka-assign sa España PCP at kinordon ang buong paligid bago itinawag sa tanggapan ng District Explosive Canine Unit (DECU) ng MPD.

Nagtungo naman ang mga operatiba sa bahay ni Orias sa Barangay 487 Zone 47.

Salaysay ng lalaki sa pulisya, ang naturang bomba ay pag-aari umano ng kanyang yumaong ama, na umano’y nag-iipon ng mga antigong bagay.

Ipinalalagay ng mga awtoridad na ang nasabing bomba ay isang uri ng “vintage bomb” na mula pa sa World War ll.

AUTHOR PROFILE