Default Thumbnail

‘Bogus’ na abogado tiklo sa Kyusi

January 12, 2023 Melnie Ragasa-limena 219 views

INARESTO ng pulisya ang isang lalaki na nagpanggap umanong “abogado” kasabay ng paghingi diumano ng malaking halaga ng pera sa isang online seller na pinangakuan niyang tutulungang maghain umano ng kaso laban sa kliyente nito na hindi nagbayad sa kaniya sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ang biktima, may asawa, isang online seller at nakatira sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Ang naarestong 30-anyos na suspek ay pawang residente din gn Bgy. Pinyahan, QC.

Sa report ng Kamuning Police Station (PS) 10 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 9:00 ng gabi (Enero 11), nang madakip ang suspek sa harap ng isang milktea shop sa V. Luna Ave., malapit sa kanto ng Mapang-akit St., Bgy. Pinyahan, sa lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PEMS Jimmy D Sanyuran, Jr. ng PS 10, nagpakilala umanong abogado ang suspek at tutulungan umano ang biktima na kasuhan ang isang indibidwal na may utang sa kaniya na hindi nagbabayad diumano.

Napapayag naman ng pekeng abogado ang biktima hanggang sa pagbayarin siya ng P20,000 hanggang P30,000 para aniya “mapabilis” ang kaso.

Naghinala na ang biktima ng muling utusan siya ng suspek na magpadala ng karagdagang pera sa kaniyang GCash kaya nagsumbong na ito sa mga awtoridad na agad nagkasa ng entrapment at naaresto ang suspek na kinalaunan ay nadiksubreng hindi pala ito isang abogado.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.