Default Thumbnail

Binata sinaksak sa tiyan, inoobserbahan

September 29, 2021 Edd Reyes 593 views

INABANGAN at patraidor na sinaksak ng isa sa dalawang suspek ang 28-anyos na binata habang papauwing naglalakad Miyerkules ng madaling araw sa Malabon City.

Nakaratay at patuloy na ino-obserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Mamerto Sano Jr., residente ng Block 4 Lot 27 Flovi Homes 1, Letre, Brgy.Tonsuya matapos isailalim sa maselang operasyon sa isang tama ng malalim na saksak sa tiyan habang hinahanap na ng pulisya ang hindi pa kilalang suspek at nagsilbi niyang look-out na nakilalang si Mark Anthony Tambis, 27 ng Block 5 Paradise Village, sa naturan ding barangay sa lungsod.

Sa ulat na tinanggap ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, inabangan ng suspek ang pagdaan ng biktima sa Paradise Village habang papauwi na sa kanilang tirahan dakong alas-2:30 ng madaling araw at nang papalapit na’y biglang tinarakan ng patalim sa tiyan.

Bagama’t sugatan, nagawa pang makatakbo para humingi ng tulong sa kanyang hipag ang biktima na nagsugod sa kanya sa pagamutan.

Nakilala naman ng saksi si Tambis nang tawagin at yakaging tumakas ng suspek nang makahingi ng saklolo ang biktima.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa tangkang pagpatay sa biktima.

AUTHOR PROFILE