Default Thumbnail

Binata kinuyog ng bugbog, mukha pisak sa hollow block

October 24, 2023 Jonjon Reyes 170 views

HUSTISYA ang sigaw ng mga magulang ng 20-anyos na binata na pinagtulungang bugbugin at patayin sa pamamagitan ng pagbagsak ng hollow block sa mukha sa Northbay Boulevard sa Barangay 148, Tondo, Maynila noong Biyernes.

Naisugod pa sa ospital ang estudyante, ng Pilar St., Tondo sa Tondo Medical Center noong Sabado at doon na namatay.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga pulis ng Manila Police District-Raxabago station 1 sa pamumuno ni Police Lt. Col. Roberto Mupas.

Base sa ulat ni Chief Master Sergeant Gil Bunagan, may hawak ng kaso, bandang 5:30 ng madaling araw nang maganap ang pagpatay sa biktima sa loob ng beer house sa naturang lugar

Ayon sa imbestigasyon ng MPD Homicide Section sa ilalim ni Police Capt. Dennis Turla, nag-iinuman ang magkakaibigan sa beer house pero paglabas nila isang grupo ang biglang sumulpot at walang awang pinagbubugbog ang binata

Hindi pa nakuntento ang isa sa mga suspek at binagsakan ng ilang ulit ng hollow block ang mukha ng biktima.

Nang humandusay na ito sa semento,dito na nagpulasan isa isa ang mga suspek na mabilis na nagsi takas.

Dalawa sa kasamahan ng estudyante ang nagtulong na isugod ang biktima sa Tondo Medical Center.

AUTHOR PROFILE