Binata huli sa P48K na MJ

January 28, 2022 Jonjon Reyes 154 views

NAGSAGWA ng buy-bust operation ang mga operatiba MPD Station 12 sa pamumuno ni PLt. Col.Cristito Acochon gamit ang isang 500 marked money na pinain sa isang 20 anyos na binatang suspek.

Batay sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) MPD Stn. 12, bandang 4:30 ng madaling araw, nang ikasa ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Lt. Roberto Medrano Jr. sa New Site na sakop ng Brgy.649 Baseco Compund.

Kinilala ang suspek na si Alladin Maurak Y Maguindanaon, aka “Dugong” residente ng New Site, Baseco Compound, Port Area, Manila.

Nakarekober kay Maurak ang 29 na bulto ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 400 gramo na may street value na P48,000.00.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag Sec 5 at section 11, Article II ng R.A. 9165. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE