Billy

Billy, emosyonal pagkakita sa dating opisina ni kuya Germs

August 28, 2022 Ian F. Fariñas 371 views

NOSTALGIC para kay Billy Crawford ang pagbabalik-GMA niya para sa Viva Entertainment game show na The Wall Philippines na napapanood tuwing Linggo, 3:35 p.m., simula kahapon.

As we all know, laking Kapuso network ang TV host bago naging Kapamilya’t Kapatid dahil isa siya sa mga protege ng yumaong Master Showman na si German Moreno.

Pagtungtong sa GMA, sinalubong na si Billy ng mga alaala ng kanyang kabataan.

Kwento niya, “Sobrang weird kasi nu’ng tme namin sa That’s Entertainment, wala naman siyang (Kuya Germs) opisina d’yan. And nu’ng nasa Walang Tulugan, I always would just see him sa Walang Tulugan. So I never even knew that he had an office. So nu’ng pinakita nila ’yung opisina, ’yung dating office niya, kung saan nilagay si Kuya Germs, alam ko kung bakit nandu’n. Kasi nandu’n sa may bintana. Gusto niya ’yung view. Kaya ramdam mo ’yung presence ni Kuya Germs. It was very emotional for a lot of people that were there kasi si Kuya Germs no matter how hard the job is, nandu’n pa rin siya, para siya kasing clown, alam mo ’yun? ’Yung siya ’yung magpapakain ng kung anu-ano, siya ’yung magpapainom ng kung anu-ano para sa lahat para mas maging lighter lang ’yung environment and we took that with us. And nakita ko ulit ’yun du’n sa mismong office niya and nandu’n din ’yung jacket niya, nandu’n din ’yung kung anong memorabilia niya, so it was a very nostalgic feeling pero you knew that his presence and his guidance that I know simula nu’ng bata ako, nandiyan pa rin.”

Buwena manong naglaro sa The Wall Philippines ang tambalang Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ng bagong GMA-Quantum seryeng What We Could Be.

Kung si Billy ang tatanungin, wish din niyang makapaglaro sa The Wall Philippines ang iba pang bigating Kapuso stars tulad nina Bossing Vic Sotto at Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera.

“Para malaman natin kung sino talaga ang boss sa kanila,” biro ni Billy.

AUTHOR PROFILE