Maid

‘Maid in Malacañang,’ simple ang screening sa Olongapo

August 28, 2022 Ian F. Fariñas 313 views

GAYA ng unang sinabi ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap, may homecoming screening ang blockbuster Viva Films movie niyang Maid in Malacañang sa hometown niya sa Olongapo.

In-announce ito mismo ng direktor sa kanyang Facebook account, kung saan sinabi niyang magiging simple ito katuwang ang SM City Olongapo Central, Olongapo City Tourism Department, Vincentiments at Viva Films.

Makakasama niya sa okasyon ang cast members na sina Ella Cruz at Kyle Velino.

Ani Direk Darryl, “Hi, fellow Olongapeños,

“My Homecoming Screening will be an intimate one. I will be experiencing my film, Maid in Malacañang, with my theater members, my artists, their relatives, my relatives and friends. I will not have anyone record or share it via FB Live — I wish it to be very simple,

I want it to be ‘home.’”

Dagdag niya, “I would like to apologize to our local leaders, volunteer sponsors and few excited kababayans if we can’t accomodate, it is really just a simple screening with 2 of my actors, Ella Cruz and Kyle Velino.

“Thank you for the understanding and for the tremendous support for #MAIDinMALACAÑANG.”

Sa ngayon, patuloy na humahakot ng audience worldwide ang pelikulang pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, Karla Estrada, atbp.

Patuloy itong tinatangkilik sa Amerika, UAE, Australia, Japan, Canada at ngayon nga’y pati sa Singapore.

Nagpa-hint na rin si Direk Darryl na ang part 2 nitong Martyr or Murderer (MoM) ay posibleng ipalabas sa February 2023.

Habang tumitiba nang husto sa takilya ang MiM, ibinalita rin ng direktor ang collab nila ng batikang designer na si Avel Bacudio para sa merch ng movie.

Ani Direk Darryl, “Bagamat ako po ay nagpapasalamat at halos hindi makapaniwala — nahihiya rin po akong ipaalam sa inyo na limitado at may kamahalan ang collaboration namin ni Avel Salvamante Bacudio.

“Ang mga jacket pong ito ay mabusisi nyang dinisenyo ang imprenta gamit ang mga larawang kuha sa loob at labas ng Malacañang Palace.

“Limitado po ito at for Pre-Order, dahil sa ibang bansa pa ang digital printing (ewan ko ba dito kay Avel—yayamanin).

“Maglalabas po kami ng mga disenyo nito at pwede na kayong makapamili — ang launch ng design ay mismong itatapat sa press con ng #MoM MARTYR or MURDERER ang Part 2 ng #MiM.”

AUTHOR PROFILE