Bolera

Kylie: It’s time naman na mag-focus ako sa career

August 28, 2022 Ian F. Fariñas 345 views

AMINADO si Kylie Padilla na tumaas ang standard niya sa pagpili ng proyekto matapos ang top-rating comeback series niyang Bolera sa GMA Network.

Nag-iba na nga raw ang pamantayan niya pagdating sa mga tatanggaping trabaho lalo na dahil gusto niyang masulit ang panahong ’di niya nakakasama ang dalawang anak kapag may lock-in taping o shooting.

“Pinag-uusapan pa. Ayokong mabakante,” sabi pa ng aktres, “gusto kong magtrabaho nang magtrabaho. Patience lang, for sure may darating n’yan.”

Sa ngayon, focused muna si Kylie sa career.

“I think it’s time naman na mag-focus ako sa career. I think quota na ako sa (ibang bagay), hahaha!” turan pa niya sa virtual mediacon ng Bolera finale.

Weird nga raw para kay Kylie na nali-link siya kay Gerald Anderson, leading man niya sa pelikulang Unravel na kinunan pa sa Switzerland.

May tsismis kasi na sila na, buntis si Kylie sa baby ni Gerald at engaged na sila.

Reaksyon tuloy ng aktres, “Oo nga, sobrang weird ang mga tsismis, sobrang ang layo sa katotohanan.”

Nag-uusap daw sila ng road manager niya kung kailangan pa ba niyang magsalita o hindi na kasi out of this world na ang level ng ibang tsismis.

Eh, nalinaw na ni Kylie na wala silang relasyon ni Gerald kundi magkaibigan lamang.

Anyway, nasa Cloud 9 naman ang feeling niya sa pagtatapos ng Bolera at hindi ma-express ang nararamdamang saya at pagpapasalamat.

Aniya, “Nu’ng binigay pa lang sa akin ’yung project, masaya na ako, grateful. Tapos itong mainit na pagtanggap ng tao, it’s just the reward after. Sobrang ’di ko ma-express ’yung happiness ko kasi siyempre ang tagal kong nawala. May uncertainty sa side ko na ‘my gosh, papanoorin pa ba ’yung mga show na gagawin ko?’ I’m really thankful sa GMA, everybody, the cast, crew, our directors, our producers kasi inalagaan talaga nila ako. They made sure na maganda ’yung comeback show ko, so ayun.”

Giit niya, naging one big happy family sila nina Rayver Cruz, Jak Roberto, Jaclyn Jose at iba pa sa set kaya naman ngayong tapos na ang billiard serye ay miss na miss nila ang isa’t isa.

“Nu’ng last taping day nalungkot talaga ako. Hindi pa ako ready na matapos. Hahaha!” sey ni Kylie.

AUTHOR PROFILE