Default Thumbnail

Biking kelot sumemplang sa graba patay

October 14, 2023 Gil Aman 230 views

CAMP Vicente Lim, Canlubang, Laguna–Patay ang isang lalaki na naka-bisikleta nang sumemplang sa tambak ng graba sa Bgy. Banay-Banay, Cabuyao City, Laguna noong Biyernes.

Kinilala ng Cabuyao police ang namatay na si Brent Isip.

Sumemplang si Brent dakong alas 10:50 ng gabi matapos sumalpok sa tambak ng graba ang bisikeleta malapit sa opisina ng PAGCOR.

Ipinalalagay ng mga pulis na hindi napuna ng biktima ang tambak na graba dahil masyadong madilim sa naturang lugar.

Ayon sa mga pulis, nadatnan pa si Brent na duguan ang ulo at katawan sa pinangyarihan ng aksidente.

Maaaring malakas ang pagsemplang ng biktima na nagresulta sa pagkabagok ng kanyang ulo, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE