Default Thumbnail

Biker pisak sa truck sa Tondo

November 10, 2022 Jonjon Reyes 259 views

ISANG 39-anyos na biker ang sinawing palad matapos magulungan ng isang tractor truck sa Tondo, Maynila, Huwebes ng umaga.

Ayon kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ang biktima ay residente ng Bagong Bayang South sa Navotas.

Kusang loob namang sumuko kay P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., station commander ng Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station ang driver ng truck na taga-Balut, Tondo.

Base sa ulat na isinumite ni P/Cpl. Allan Aquino kay P/Capt. Tom Fallar, hepe ng Investigation ng MDTEU, bandang 7:36 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Juan Luna at Raxabago Streets sa Tondo.

Agad naman rumespomnde si Aquino matapos makatanggap ang Raxabago Police Station ng tawag tungkol sa aksidente.

Ang biktima ay nakahandusay sa semento ng matagpuan ng mga awtoridad.

Ayon sa inisyal na ulat, habang binabaybay ng driver mg tractor truck na may trailer sa kahabaan ng Juan Luna St. patungo sa Raxabago ay dumulas umano ang gulong ng bisikleta ng biktima kaya pumailalim ito at nasagasaan ng gulong sa bandang likuran ng trailer.

Agad namatay ang biktima habang kusang loob namang sumuko ang truck driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.

AUTHOR PROFILE